29 Các câu trả lời
My advices are use cloth diaper and cloth wipes at magbreastfeed. Wala ka halos gagastusin. Sa umpisa lang kasi need mo bumili ng cloth diaper pero maggamit yun ng anak mo till toddler, magkano lang yun compared sa magagastos mo sa disposable diapers tapos mabaho at daming basura. Mag member ka sa fb ng cdaph (cloth diaper advocates ph) marami kang matututunan. Sa center magpavaccine kay baby pag hindi available, saka na sa pedia. Ilang piraso lang ng tie sides bilhin, 3-6 months ang okay para matagal magamit hindi bili ng bili. Pero konti lang din kasi mabilis sila lumaki. Sa basic needs ni baby nsa 2k lang ata umaabot na yun for 2 months. Isang bilihan sa online sale at free shipping. Puro tinybuds😅 Basic needs lang pala yan...wala pa yung mga gamit nya like clothes, toys, crib, stroller, comforter and pillow, high chair, bouncer etc etc Depende sayo pde naman meron pde wala. Magastos talaga magkababy😊 Kaya yung sa taas tipid tips na yan. cloth diaper and breastfeeding. Isa pa palang tips. MagSAVE ng money for baby lang. Para if need check up madala agad.
Depende po sa diskarte niyo po mommy.. Kung magpapabreastfeed and cloth diaper po kayo.. Malaki po matitipid niyo😊 Di po kita mabibigyan ng estimation regarding sa formula feeding mommy since breastfeeding po ako simula nung manganak ako😊 Kung mag disposable diapers ka naman mommy.. Magstock ka na po ng maraming newborn diapers.. Dun sa 1st 3 months ni baby.. Maraming palit yun sa isang araw.. Estimate ko nakaka1500 to 2k kami per month nun dahil sa diapers😊 Sa mga check up at vaccine ni baby.. Depende din po kung sa private clinic or health center po.. Yung check up atsaka vaccine libre lang po sa mga health center.. Pero kung sa private clinic po kayo magbabayad po kayo sa check up ni baby and dun sa vaccines.. Magrarange po yung price nung pagpapainject ng vaccines.. Around 3.5k to 5k😊 sa 1st 12 months po talaga madugo ang pagpapavaccine dahil monthly po may shot si baby😊
madami pong factors na pwede makaaffect sa baby budget ( like feeding, type of diaper, schedule of pedia visits, vaccines, product brands etc) more than how much, eto po ang mga tipid tips na pwede ko mashare 🔵magbreastfeed- usually formula ang malaki ang percentage sa budget for baby 🔴for diapers, if hindi kaya magcloth diapers, humanap po ng affordable brand na hiyang ni baby 🔵iaavail ang mga bakuna na meron sa center 🔴as with diapers, hanap din po ng affordable wipes, baby wash and other baby toiletries na hiyang kay baby
Marami pong factors like kung ano diapers, milk, vitamins, vaccines, etc. If gusto magtipid, push ang breastfeeding. Pwede itry mag cloth diapers. Sa center ang vaccines para free. Para may idea ka, ito ang sa first 3 mos ng baby ko: Formula (Nan Infinipro HW) - 600+ for 400g, refill every 10 days (mixed feed kasi kami) Diapers (Pampers) - 285/pack of 40, refill every 7 days Yan pa lang, roughly 3K na per month. Iba pa ang gamit like clothes, bath essentials, checkup costs, etc.
Ranging from 4-5k ang budget namin kay baby every month. Malaking bagay din na pure breastfeed si baby kaya super nakatipid kami sa gatas. Sa vaccines din sa health center kami kaya free lang ang mga shots niya. Usually ganito ang pagkakahati hati ng gastos para kay baby: Diapers (good for 1 month) - 1200 Toiletries (soap, lotion, petroleum jelly, etc.) - 1780 Distilled water (for drinking purposes only) - 100
Sakin po kasi formula milk gamit namin kasi wala akong milk kahit anong pump ko estimated ko around (18-19k) a month kasama na dun pedia consultation and and all kapag walang vaccine si baby. Similac tummicare kasi milk nya ang box is 2,600 pesos good for 1 week nya lang yun, then vitamins, diapers, wipes, distilled water, pedia consultation etc.
nung baby pa anak ko dhil breastfeeding . diaper and sabon lang pinagkaka gastusan namin 2-3k a month na. Ngayon n 1 yr old n siya gatas in 5-6k a month 1k sa diaper 500-1000. din sa ibang needs like sabon Niya, bulak, dhil d Kmi nag wiwipes cotton parin Kmi hanggng ngyaon Lalo n pag papalitan sa madaling araw. 1k sa vitamins
Kung nagtitipid ka, mgpa breastfeed ka, lalo na ngayon pandemya. Tsaka mag cloth diaper ka sa umaga and disposable sa gabi. Try mo lampien na diaper or happy, napaka mura. Sa center ka nlang din mgpa vaccine kasi libre lang, except sa rotavirus vaccine wala yan sa center, sa pedia estimate 2-3k for one dose.
Depende po Yan Kong anung gusto ng parents maging lifestyle sa kanila ng anak.. But for me since I have 3 kids na going 4 kids this June 2021 lahat ng vaccines is sa Health Center para badget friendly. BREAST FEED CLOTH DIAPER is essential pag Umaga and pag Gabi is DISPOSABLE..
6,000 - formula (inverted nips kasi ako and ayaw talaga mag latch ni baby sa akin) 300 - diapers (nag ccloth diapers si baby during the day. Disposable naman during night kaya medyo tipid) 280 - Water 6,000 - average monthly vaccine (private pedia) 1,500 - miscellaneous
Anonymous