HELP

Mga Ma, pahelp naman po first time mom po ako mag 1 month pa lang po si lo ko sa saturday. Pero pag gabi po grabe ang iyak nya walang tigil hindi naman puno ang diaper, nakadede naman na, di naman mainit o malamig sa kwarto namin hirap na hirap kami hanapin yung gusto nyang pwesto. Pangatlong gabi na po na ganon sya halos 2hrs walang tigil ang iyak di na po namin alam gagawin pag umiiyak sya ng ganon katulad kagabi halos maiyak na lang din ako kasi di ko na alam gagawin namin. Sa gabi lang po sya ganon pero pag sa umaga at hapon okay naman sya. Ano po kaya dapat gawin ko pag ganon? Nasstress po kasi ako pag umiiyak sya ng ganon ??

48 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Halos lahat ata tau ganto nararanasan. Growth spurt daw. Try mo dn..Padedehin mo na naka side lying kayo. Or kung ayaw ng dede, try mo karga na nakapatayo sya. Wag ung nakapahiga. Tas saka mo ihele. Patry mo dn ipabuhat sa iba. Like lolo o lola o daddy nya. Kaya naten to mamsh!

Hi.mommy ganyan talaga ang baby minsan baka masakit tyan or kabag minsan sanay sa heat natin na mommies nila or minsan gutom but most likely gusto ng hele. Antabayanan mo si baby ganyan din ako kay lo before but shes 6mos now and okay na kami tapos na kami sa ganyang stage.

Check mo din kung may singaw mams. Baby ko, we were unexpected na magkakaroon siya ng singaw. Hindi sa gatas kundi sa sobrang init nung mga panahong yun, sabi ng pedia ng baby ko. Nakita nalang namin nasa pinaka tagong parte ng bibig niya kaya pala sobrang ngumawa

Kabag yan mommy gnan din baby ko pa 1 month sya ngayong April 19. lagi din naiyak Lo ko every night pero pag maga hapon hindi Kabag yan I burp mo lng po lgi tpos aceite de mansanilla hilot po s tyan the ilong at sa pwet po para po umutot si baby

Baka may colic siya ? Sa amin pag fussy si baby or mababaw tulog sa gabi, pinapatulog namin siya sa chest namin , nagwo work naman so far , ingat lang po na wag kayong makatulog while hawak si baby para iwas SIDS and accident na dn na mabitawan siya

try the tummy massage and make sure na nag burp cla after feeding. also u can try yung pag carry na parang nasa tummy cla. pang 3rd baby ko na and yung dalawang baby ko kpag iyak ng iyak ganyang lng ginagawa ko and nag play ng relaxing music.

ramdam kita mommy.. 1week ago c lo ko 3days n iyak din ng iyak. d ko lam ggwn ksi halos sumayaw n ako para mapatahan ko sya. 5hours ko sya halos karga. nagbsa bsa ako ksi wprried ako colic baby daw pero sb mwawala din nman dw. .

Mommy baka inaantok..gnyan din 1st born q noon..akala m kng anu msakit..kya pala dami lng kaartehan matulog..cuddle m lng xa..try m ung pusod nya ituon m sa pusod m pra my connection habng kinakarga m xa..its effective po..

1 month din baby ko now. Baka kabag yan sis :) try to have some tummy time. Padapain mo sya sa dibdib mo and massage mo yung likod nya sa may bandang tyan. Maglilikot likot yun, pero baka maiutot din nya yun.

Thành viên VIP

Ganyan din po baby ko dati, karga muna lahat2 di naman sya gutom panay iyak padin salitan na kme ng asawa ko hanggang sa madaling araw na gising padin sya. Nawala nalang sya sis nung mga 4months na sya😊