20 Các câu trả lời
Bili ka ng mga designs sa shopee at firework candle, P500 lang meron ka na happy birthday at sabit2 na balloons at un backdrop na metallic curtain. Then buy a cheap cake sa mga cake shops ilagay mo un firework candle. Sa food, pansit 2 malaki bilao worth 1.5K un kung ikaw magluluto madami pa toppings. Then bili ka 3 kilo ng chicken wings, P560 fry mo po. Hotdog on stick isang pack P185 with marshmallow sa dulo P30. Shanghai mommy, 1/2kilo pork giniling P160 tapos ikaw na magminced ng mga sibuyas, carrots etc plus pambalot isang buo P50. Kung gusto mo momsh dagdagan mo giniling 1kilo na un half nun magagawa mo gawin mo embutido. Pwede ka din mag coffee jelly, 3 pack ng mr gulaman P25 isa na white tapos coffee black at 3 all purpose cream at 3 lata condensada. Napakadami na po nagagawa niyan. Madami pa sobra mommy, pwede ka pa magdagdag diyan. Para makatipid, maganda ikaw talaga magluluto2 at prepare. Sa birthdays ng mga anak ko, ako lahat nagluluto at nagbebake ng cake nila bumibili lang ako toppers sa shopee. Kung gusto mo may pacupcake ka, bili ka wattatops tapos bili ka ng topper sa shopee na itutusok mo sa taas ng cupcake. Sossy na!
Hi mommy! Katatapos lang ng 1st birthday ng baby ko last december since pandemic at bawal ang parties sa mga restaurant i chose to celebrate it sa bahay lang. Todo effort sa pagdecorate para naman may magandang pictures si baby. at sa food wag na cater, I suggest mag order ka na lang nung mga party trays na. Tig kokonti pero ibat ibang klase. Kasya na ung 10k budget mo baka nga sobra pa yan sa food eh. Di kelangan bongga at madami. Mahalaga macelebratr nio ang birthday ni baby na magkakasama..😊
Kung wala sila bag pumikit kamo sila, saka di required na pag nag handa ka eh papakainin mo buong angkan mo, mag celebrate kayo ng kayo lang Para iwas stress at iwas lait din, akala mo may utang na loob ka sa kanila Para maghnada ng wagas, ako nga pancit saka spag lang sApat na eh, Lalo Kung may Shanghai maligaya na kami.. Huwag ka magpa stress sa mga taong wala naman naitulong sa inyo, yang mga kamag anak na yan pa ang manlalait sayo Kaya don't mind them, deadma and walk away
Hi mommy wag ka po mag isip na hindi ka mabuting ina.Hindi po totoo un.Syempre sa panahon natin ngayon mahirap po talaga kumita ng pera lalo nat pandemic kaya kailangan magtipid.Hindi po nasusukat sa dami ng handa ang pagmamahal natin para sa ating anak.Pwede naman na po sigurong handa ay cake,spaghetti,pansit tapos mga ilang putahe ng ulam.Huwag niyo po intindihin ung sinasabi ng ibang tao.Hindi naman kasi sila ung nasa kalagayan mo kaya ganyan po sila magsalita.
Okay na po yung 10k na budget lalo ngayong pandemic dapat practical po. Ang mahalaga naman mairaos ang birthday ni baby, hindi naman po pabonggahan ang birthday. Okay nga po mindset niyo kasi okay kayo sa simpleng handaan, hindi tulad ng iba na kahit walang wala naman pipilitin pa rin na bonggahan dahil lang sa ibang tao. Wag niyo na po sila intindihin. Madami na maluluto sa 10k. ☺️
Hingan mo sila ng contribution kung sa tingin nila, kulang ang ihahanda mo. Tingnan natin kung mema pa sila 😬 Ang dapat na #1 na happy sa araw na yan ay yung baby mo. Kung anong alam mong magpapasaya sa kanya, yun ang gawin mo. Kung maliit ang budget, pwede namang konti lang ang iinvite, especially now na may pandemic.
kung nakukulangan sila, pagambagin mo. hehe. okay lng mumsh. malaki o maliit man at least, ncelebrate at npgpasalamat ang birthday ng bb mo. wag ka na maistress. subra na yang 10k para sa food. wag ka na lng mgpacater. ikaw nlng magdecorate. yaan mot di rin nmn makakatiis mga yan at makikikain rin yan. hehehe
di po measurement ng pagiging mabuting ang ina ang bonggang parties. for me, in these times, the simpler the better. if intimate party lang sobra sobra pa yang 10k.. agree to other moms too na wag magpapekto sa sasabihin ng ibang tao,celebrate your child's birthday the way you want it celebrated. 💙❤
wag ka makinig sa knila momsh, kailangan maging praktical 😁😁😁 3k nga lng handa ko sa 1st bday ni baby ehh... graham cake, baked mac, ice cream, hotdogs, lumpia, carbonara tsaka drinks 😁 tama na yon, di nman naubos 😛 tapos gumawa nlang ako banner para kay baby, tapos na 😁😁😁
Kayo dapat ang masusunod mommy, hindi sila. Pag sinabi nila na dagdagan, sabihin mo “sige po dagdagan ninyo”. Pag walang reply, hayaan mo na lang po sila. Okay na po ang 10k budget mommy, malaki na po yan. Wag na lang po kayo mag imbita ng madami. Mag DIY na lang po kayo para tipid din po.