34 Các câu trả lời
yan din worries ko before mommy. 1mo and 3 wks baby ko bihira mgsmile kala ko di pa nakakakita kc usually pag tulog lang sya nagsmile parang reflex lang un. Then one day bigla sya nagsmile and tuloy tuloy na and nakikipag-usap na. kaka-2mos lang kahapon ni baby ko..so one week na namin nasisilayan ang smile nya and enjoy na din kami kausapin sya. Antay lang momsh. Magsmile din yan.
ganyan din ako mommy dati.. to the extent lagi akong tanong ng tanong sa tatay ko.. puro pa tulog ng tulog baby namin.. tapos sabi ni tatay maghintay lang daw ako kapg 4months na si baby, baka ako na lang daw magkandaugaga.. ayun, pagdating nga ng 4months, sarap ng panggigilan, ayaw na matulog halos o wala ng sa tamang oras ang gising..
Wait ka lang po mommy. Baby ko din nung una snob. Haha. Pero nagulat na lang ako nag smile na sya tas may konting tawa na. Tas ngayon madalas na sya mag smile and laugh, minsan may sinok na sa sobrang kakatawa, lalo na pag kinakantahan ng mga fav nyang songs. Kausapin mo lang ng kausapin mommy, gusto ni baby yan ☺️
Hello Mamsh. Hayaan mo lang po muna. Maaga pa naman ang 1 month :) I mean, baka kase mapressure ka at baka mamaya, mapilit mo si baby na maging katulad ng iba which is not good at all. Wag mo po siya i-compare sa ibang bata kase gaya ng pagbubuntis, iba iba din talaga yan :) Patience lang Mamsh :)
baby ko din di masyado nag smile kapag kinakausap pero minsan nagsmile siya mag isa 1month and 17days na siya..iba naman trip niya kapag kunwari nagagalit ako sa kanya or pinagsasabihan ko siya tsaka naman siya malakas sumagot..😂 mas maldita pa ata kaysa sa mommy niya..🤦🏻♀️
Wag mo madaliin ung anak mo at wag na wag mo icocompare ang anak mo sa iba. iba iba ang mga bata. wait mo magshine ang anak mo di ung ikukumpara mo siya sa ibang bata. oh d ako galit gnto lang ako magsalita hehe. anyway pogi ni bibi 😘
Kausapin mo lang ng kausapin mamsh. Tama ang mga mommies dito iba iba ang babies. Wag ka magpapressure importante healthy si baby. Kung nagwoworry ka, pacheck mo un newborn screening results nya
Okay lang po yan si baby ko 2 months nagsimula na syang magsmile tas nung mga kalagitnaan na ng buwan nakakausap na rin sya madaldal na yaan nyo lang po wag madaliin mommy.. :)
Sabi ng pedia ko 2-3 months talaga natututo mag social smiling ang babies, wait mo lang po, malapit na rin yan si baby 😊 saka totoo don’t compare kasi nakakastress lang.
oks lng po yan, iba iba po kc tlaga ang development ni baby basta khit ndi po sya masyado sumasagot p s inyo patuloy nyo lng po sya kausapin pra po masanay sya