Hi Share ko lang!

Hi mga ka mommy. ❤ Mag share ulit ako sa inyo. Finally nalaman na ng parents ko na preggy nga po ako. Kahapon lang yun. May 16 sa nanay ko puro mura inabot ko lahat na ng pwedeng isumbat sakin sinabi na nya. Then tinawagan nya si Lola,Tita,Tito,at kapatid ni lola para pumunta dito sa bahay. Kase nga hindi nya alam pano aawatin si tatay pag nalaman to. Kinagabihan, dumating na tatay ko. Alam na nya na parang mali kaya sabi nya "Kung may sasabihin kayo sabihin nyo na wag nyo na patagalin." At dun nag simula na nanay ko na umiyak sinabi nya na buntis ako. Nag kagulo na lahat. Susugurin ako ng tatay ko buti na lang naawat nila lola. Tinawagan ng nanay ko tita ni bf para dun muna ko kase hindi pa maawat si tatay. Sa pag alis ko pangalawang beses ko nakita umiiyak si tatay sa 18 years na magkasama kami. Nakakadurog ng puso makita mo syang ganun. ? Pag karating ko sa bahay ng tita ni bf nandun kaagad si tatay sinundo nya para umuwi na sa bahay agad. But this time mahinahon na sya. Pagkarating ko sa kwarto ng bahay namin umiiyak lang ako hanggang pumasok si tatay sa kwarto para kausapin ko. Hindi ako makapag salita niyakap ko na lang sya. At hindi ko alam pero duon lang gumaan ang loob ko na nayakap na ya. ❤ Hayst. Sana maayos na lahat to. Thankyou sa time mga mommy. ❤

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Congrats sis. Maayos din yan. Pray ka lang. Ako medyo may mga pahapyaw na sumbat pa din mom ko before lalo na pag medyo nahihirapan ako nun lumalaki na yun tyan ko pero kada nalalaman nya na okay si baby pag checkup. Nawawala din yun gang sa nagiging excited na sila. Yun sa dad ko kasi mahilig talaga sa bata kaya parang di na sya nagalit kasi andyan na din naman. Pray ka lang at wag ka mashado pastress kasi masama kay baby yun. :)

Đọc thêm
6y trước

Thankyou. ❤

Thành viên VIP

Nakakaiyak naman to momi..baka magwala din ako kung nabuntis anak ko ng 18years old. Pero dapat patunayan nyo ng bf mo na kakayanin nyo ang magkababy..kaya yan sila nagalit kasi worried sila..pero pag nakita na nila ang baby nyo sobrang saya nyan nila for sure. Wag kau aasa palage sa magulang patunayan nyong kinaya nyo yang pag gawa nyo ng baby hehe..gudlak momi. U can do it!

Đọc thêm

wala talagang magulang ang makakatiis sa kanilang anak. normal lang naging reaksyon ng parents mo,pero kita mo naman nangibabaw pa din ang love nila sayo. maswerte ka nga eh, kasi yung iba, matagal tagal bago nagkaayos.may naitakwil pa,lumipas pa ng ilang taon.always be thankful pa din kasi may mga taong nagmamahal sa atin. now, focus kn sa baby mo.Godbless.

Đọc thêm

Magiging okey din yan...wag ka magpastress at mamroblema it will affect your baby....pinagdaanan ko dinang ganyan,, baka mas mahirap pa, during my 1st trimester i was about to give up, depression strikes, stress overrules, super down ako that time,,,but family is family.. They will understand you no matter what❤❤❤congrats mamsh

Đọc thêm

Good to know na all is well sa family mo. pag labas ni baby doon mo mas maiintindihan kung bakit ganun na lang ang reaction nila. Don't give up sa mas marami pang pagsubok sa buhay. kayang kaya mo yan basta lagi mo tandaan na walang binigay si God na di mo kayang lagpasan ❤️ Good luck sa pregnancy journey 😊

Đọc thêm

It will all be okay momsh. Baby is a blessing and I'm sure kapag lumabas na si baby mapapawi lahat ng lungkot at disappointments ng parents mo. Basta patunayan niyo ng BF mo na hindi kayo mag papabaya sa isa't isa at lalo na kay baby

naiyak nmn ako hbng nagbabasa . kaya mo yan sisss.. after nian maiicp dn nila na wla manyyri kung sisisihin ka lng nila.. pero dmo dn sila masisisi kc nga bata kapa.. ako nga 27 na ,kht ako nhirapan dn pano ssbhin hayss

Natakot ako sa reaksyon ng papa mo na tipong susugurin ka 😥 Magiging maayos din kayo. Sa umpisa lang naman ganyan. Pag andyan na apo nyan baka mas mahal pa yun ng parents mo kesa sayo 💜

Thành viên VIP

It’s going to be ok. Mahal ka ng tatay mo kaya unang reaction nagalit sya. Makikita naman na concerned lang sya sa yo at sa future mo. For sure paglabas ni baby spoiled na apo yan.

Thành viên VIP

sabi sayo magiging oks din yan. Pero parang gabe naman yung susuguren buntis tas susuguren? Maton daddy mo xD!!! 18 ka naman na parang over protective naman. pero atleast oks na