35 Các câu trả lời
May mga mommies din kasi na 4-5mos preggy na ni isang beses wala pa din check up. Walang vitamins, naka rely sa app para magtanong kung okay lang kaya si baby nila. Sino makakasagot non? Diba? Pangkain na nga lang hirap na? Bakit mag aanak? May trabaho kami pareho ni hubby and planned naman pag aanak namin pero ang hirap talaga ng buhay. May times na maiiyak na lang ako kasi worried ako na baka hindi ko masapatan needs ni baby. Minsan kinakapos pa din pero palaging ginagawan ng paraan si baby. Kung hirap sa buhay, wag na magdagdag ng responsibility. Idadamay nyo pa yung walang kamuang muang e.
May point naman po. Minsan kahit yung mga may trabaho na kagaya ko minsan dumadating din ako sa nagkukulang talaga budget lalo na sa panahon ngayon napakamahal ng bilihin. ;( kaya kailangan talaga na maghigpit ng sinturon ngayon. Diskarte lang po siguro mamii, makakaraos din. Blessing ang baby, tama yung point nyo na wag sasabihin na "bat nag anak ka pa?" pangit nga naman po yun. kahit anong estado ng buhay ng isang babae may karapatan sya magkaroon ng anak kung kailan nya gugustuhin, yun ay kung papalarin sya magkaroon ng isa. di po ba. tama naman po iba iba tayo ng sitwasyon.
hmm pero sana bago sila nagbuntis o nagplano mabuntis inisip din muna nila kung kaya nila ung lifetime responsibility. Hindi naman natatapos sa check up at panganganak ang lahat...long term resposibility ang pagiging magulang. Kung sa umpisa palang di na nila kaya sana di muna nila itinuloy...kagaya din ng mga payo ng ibang mga mommy dito if active sa sex better mag protection since libre naman un sa center kawawa ang magulang pero mas kawawa ang mga bata.
momsh kung kaya nga po tayo may brgy. health centers para sa mga kababayan naten na kapos sa buhay. di po excuse ang hindi magpa check up. sa brgy. health center po walang bayad, bibigyan ka pa nga nila ng vitamins. saka momsh kapag buntis po it's not only about you. It's about you and the baby. kailangan nyo po maging healthy para maging healthy din si baby... di po pabalang ang sagot na ganun for me. "realtalk" lang po talaga yun. magastos po talaga mag buntis kaya nga po dapat pinag iisipan at pinagpplanuhan yan e..
sabe nga ang baby is blessing pero dapat blessing ka din kay baby, dapat kung alam nyong dehado kayo and sex active kayo first thing to do is to use protection then magusap kayo ng partner mo regarding sa pag gawa ng baby na dapat ganto dapat financial stable tayo pag dating ng little one natin dapat yung hirap na dinanas nyo wag nyo na idamay yung baby kasi magiging kawawa lang baka maging malnoris pa ganun lang yun hindi naman lahat ng nagcocomment dito ay nangiinsulto iba kasi naawa sa magiging lagay ng bata
Di ko alam ikokomento ko dito, kapag kasi 'di maganda magagalit yung iba, kapag pakampe dun sa nag comment, magiging mabuti ako. Pero ito nalang iiwan ko, no offense, pero may nabasa akong isang post dito "nag sex kami ng bf ko, mabubuntis ba ako?", kung 'di handa, 'wag gawin. KUNG WALANG SINGSING 'WAG GAWIN. At "Prevention is better than cure". Kita niyo yung viral ngayon na mag jowang estudyante sa sementeryo nag sesex, so kung may mabuo sila, mag dadownload nitong app, alam na natin i-po-post ng mga yun.
agree
Kaya may tintawag tayong health center mga sis. Libre ang magpa Tingin dun nag bibigay din sila ng libreng gamot. Mas okay humingi ng professional advice kesa sa mga sabi sabi at experience lang ng ibang tao lalo na kung mejo serious ang problema. And please alam naman pala nating mahirap ang buhay ngayon aralin natin ung family planning. Mahirap talaga magbuntis ng di pinaghahandaan at kapos na kapos sa buhay nadadamay mga batang walang muang sa mundo
Real talk na lang tau ha! Wag mag anak pag di pa kaya magprovide, ikaw na rin nagsbe na may kanya kanya tayo pinagdadaanan, so why bother others to help you, or ung iba dito nanghihingi ng pangcheck up ediba nga halos lahat dito buntis? so parehas taung lahat may pinaglalaanan. Wag sasama loob mo Yun lang ang ktotohanan. Wag iasa sa iba ung tulong kesyo buntis ka or kapos ka.. Dapat una palang alam mo na kung capable ka or hinde.
Mommy, im not bashing or against. Pero may point po yung mga commenter dito. Bakit po mag aanak kung hindi kaya? 😞 kung pampa check up po wala. Paano na lang po yung mga need ni baby, kung umpisa pa lang po wala na? Bago po sana tayo mag luwal ng sanggol dito sa mundo isipin natin kung mabibigyan natin sila ng magandang kinabukasan. Kawawa naman ang bata kapag hindi prepared ang magulang 😞
according to your post may point ka naman sa sitwasyon na mraramdaman ng ina. pero i never agree na pagkain na lang wala pa,so baket pa mag aanak kung sa pagkain pa nga lang kapos at hirap na,wag na idamay ang bata para iparanas yung kakapusan nila kung di naman pala kaya esupport yung pagbubuntis na kahit sa center may mga libreng check up at minsan may libreng vitamins. JUST SAYING🙄
Anonymous