35 Các câu trả lời

kung nung kapanahunan ng nanay ko ikaw nabuntis mi nako wala ka problema kse napatanong din ako sa nanay ko nung minsan sbe ko, "mami, bakit sila daddy ang dme magkakapatid pero okay naman silang lahat i mean nakayang buhayin un?" mangingisda ang lolo ko non while ung lola ko no work.. sbe ni mami sken "ano ka ba, libre ang center kahit noon pa, magtanim ka sa likod bahay, mag alaga ka ng baboy, manok o mangisda ka di mo need ng pera, tyaka since wala naman trabaho ang mga tao noon dadame tlga ang anak nila pero kayang kayang buhayin kse masisipag ang mga magulang sa pagtatanim at pangingisda" sya nga daw noon nung pingbubuntis ako..ferrous lang ang iniinom sa pagkaen daw sya bumbawi ng nutrients, ang check up libre, walang ultrasound, stetoscope lang gamit para malaman kung may heartbeat si baby. Walang lab test pero regular ang check up nya as in monthly kse nga libre naman. May work pa sila ni daddy ko non. 4 kme magkakaptid at ako ang bunso pero libre pa din lahat ultimo gamot wala syang inilabas na pera since sa center sya nag papacheck. Pati pills libre din. Kaya minsan kapag ksama ko nanay ko pacheck up dhl puyat ang asawa ko sa work ssbhn non sken grabe dme mo iniinom na vitamins hahaha.. ayaw ako ipacheck ni mami ko sa center, may pera naman daw ako at high risk ang pregnancy ko..unang apo nya to e kaya kaht gusto ko sa center ayaw nya khit gusto ko sa lying in wag daw... mabuti na ung safe ang baby at safe ako. Never ako nanghingi sa family ko ng pera pampacheck up kahit kinakapos din ako kase nga high risk ako at ang high risk iba ang gamutan as in 5k kada buwan. Kinaya nameng mag asawa pareho naman kame may work un lang ung ipon ko ubos tlga sa loob ng 1st trimester. Kaya mi, if di pa kaya mag alaga, mag buntis, maging magulang wag muna sana.. hindi mo need maging mayaman mi, ang need mo may trabaho + pera ka for lifetime support kay baby. Hindi din kse maganda ung aasa sa magulang, sa kapatid o sa kaibigan ng hingi.. Sabe mo nga may ibat iba tayo g pinag dadaanan sa buhay maybe ung hihingan din ntn ng tulong e may pinagdadaanan din nhhya nlang kaya tutulungan ka. Let's be all responsible for this loooong term responsibility. Mapalaki ntn ng maayos at magkaron ng magandang buhay ang anak ntn soon lalo na kapag napagraduate na ntn ng collge sobrang laking achievement na non. Kaya na nilang tumayo sa sarili nilang mga paa non ♥️ kung responsible tau lalaki ding responsable ang anak ntn. ( 8 mos preggy here..FTM )

mi nababasa ko na nsasaktan ka sa sagot ng iba. Burahin mo nalang po ang post mo kung di mo matanggap ang sagot nila. Iba iba kase tayo ng opinion, iba din opinion mo sa opinion nila. Mas madameng against sayo if babasahin mo ung thread mo ( di ko sure tama ba spell ng thread? 🤣) kung ayaw natin msaktan sa opinion ng iba ma aapply din ntn ung think before you click. Mas madame po kame na maaawa sa kinabukasan ng baby kapag nailabas na sya sa earth. And yes, truth hurts than comforting lies ✌️✌️✌️Kung anjan na si baby at on the way na matuto nalang tayong magsumikap at magsipag sa buhay para may ipang buhay sa kanya. Hindi mo naman maibabalik sa sinapupunan yan e kase anjan na.. Wag natin ugaliin ang umasa sa iba kase nga may ibat iba din tayong problema sa buhay. And yes, anak po ntn sila at responsibilidad na buhayin ntn sila at alagaan at hindi sila responsibilidad ng iba. Tayo po ang may responsibilidad sa kanila at wag natin iasa sa iba.. Madameng libre ngayon gaya ng centers grab the opportunity na sis! libre na un ikaw nlang mismo ang lalapit sa knla.

Lagi paalala sakin ni Mama dati noong umabot ako sa teenager is “ ISIPIN MO ANG MAGIGING BUHAY NANG ANAK MO PAG NAG DESISYON KANG MAAGA SYANG DALHIN DITO SA MUNDO. OKAY LANG MAGIPIT SA BUHAY PERO HINDI OKAY NA HABANG BUHAY NAGIGIPIT AT MANGHINGI NG TULONG” pina laki ako ni mama na sya lang dahil namatay na si papa pero kahit akong hirap nya sa pag papalaki samin never si mama nang hingi ng tulong sa kamag anak or kaibigan nya kasi ang sabi nya responsibilidad nya daw kami at hindi raw maganda na panay hingi ng tulong sa iba dahil hindi naman daw namin alam kung ano pinag dadaanan ng ibang tao kaya kahit konti lang tulog ni mama todo kayod sya. Ngayon na ako na ang magiging ina sinigurado ko talaga na hindi man marangyang buhay ang maibigay ko ay hindi rin naman ako mag struggles sa financial nang sobra sobra para palakihin anak ko kasi pinag handaan namin mag asawa talaga. 26 na ako nakapag asawa at 29 na ako nag ka anak dahil pinag handaan namin . Ayaw ko mabaliwala mga pangaral sakin ni mama.

Isa lang take ko dito, Sex education and family planning is a MUST. Mdami kasi dito dumami na ang anak hindi padin alam yang 2 topic na yan. Again, wag mag anak or magdagdag ng anak kung walang kakayahan lalo na financially. Pansin nyo ung ibang mayayaman unti ang anak kasi alam nila magastos, pero mas nakakabilib ung mga mahihirap pero madami anak. Dito tlaga tayo naiiba sa ibang bansa, kung sa Japan pababa ang population nila, dito saten pataas. Pano saknila isipin palang ung gastos kapag nag kaanak hnd na lang. Dito saten ginaagwang retirement plan ang anak. ay ewan .. Yung tita ko 8 ang anak, nung 3 palang anak nila naging PWD na ang asawa pero bakt nagkaanak pa ng 5? ang kawawa ngayon ung eldest kasi sya bumubuhay sa mga kapatid nya. See? Nasa magulang ang problema. Nasa mindset. Kaya sinong hnd maiinis kapag ganyan?

tama! sex education at family planning talaga ituro sa school..

maging praktikal nalang po sis. kapag alam mo namang pangkain na nga lang ninyong mag asawa hirap na kayo hanapin saan kukunin, wag na muna magdagdag ng isa pang palamunin. aanhin mo yung blessing na baby kung kawawa rin naman siya pagdating niya dito sa mundo kasi pati siya madadamay sa kahirapan. maraming way para hindi mabuntis agad andyan ang pills, aralin ang epektibong withdrawal or cndoms. isa rin ako sa mga pinush dati ng mga kamaganak na kesyo antagal na naming kasal pero wala pang anak. iniignore ko lang sila dahil hindi naman sila ang mahihirapan maghanap ng pangangailangan ng bata kapag nagkagipitan na sa pera. huwag isipin na porket blessing ang magkaanak e aanak na rin. lifetime responsibility yan.

isipin mo nalang pagbubuntis palang at check ups palang hindi na kaya magprovide, what more pa kapag lumabas na ang bata. mas mahal pa dyan ang kakailangan mo. gatas at pampers palang buwan buwan nakakabutas agad sa bulsa.

may mga bagay na hindi na dapat tinotolerate. lalo na kung di ginagamitan ng common sense. iba na magisip mga tao ngayon kung may nasasabi man sila it just the truth "real talk". isa ako sa mga nagcocoment ng real talk thingy(but never a cursing word) lalo na sa mga batang nabubuntis, mga babaeng nag papagamit sa iba ibang lalaki kaya di alam sino ama at mga kabet na nabuntis na nag hihingi pa ng advice dito.. even sa mga nanlilimos na merong pampaload pero walang pang gamot.. yun nag aanak kahit alam naman na wala silang kakayahan.. kaylangan mo din deretsuhin minsan. hindi yung sasabihan pa na "okay lang yan" which is hindi naman talaga okay.

Just because you can, you should. In Tagalog, hindi dahil kaya mo, gagawin mo. In relation to pregnancy and childbirth, hindi dahil kaya mo mag-anak, gagawa ka lang ng bata kahit, ika mo nga, sarili mo di mo pa mapakain. Mas importante ang pag-educate and promote ng responsible pregnancy and parenting kesa sa pagsuporta at kunsinte sa kapabayaan at pagiging makasarili ng iba na gusto lang mag-anak kahit hindi handa. Gaya nga ng sabi ng ilan dito, wag na sana idamay ang bata kung sa pagbubuntis pa lang ay namamalimos na. Hindi sapat para sa isang babae ang maging ina lamang.. ang pagsikapin natin ay maging MABUTING INA sa ating anak/magiging anak.

di mo maplplzz ibang nanay dito kung direct sila magsalita, 'kain nga lang hirap na', eh bakit kasi mag aanak pa? sino kawawa? e di yung bata😔 tapos sino sisisihin sa paghihirap niyo? gobyerno na naman? keso ganto, ganyan?... isipin kasi ng mabuti nagpakasarap kayo tapos pagtaghirap na nganga,,, ako aminado ako my time na hirap talaga pero dahil sa partner kung masipag kinakaya namin,, ayaw naming maging pabigat sa iba... kaya plzz lang wag tayong paka plastic dito,,, buhay na pinag uusapan dito kung kasi hindi lang hanggang pagbubuntis kundi habang buhay na responsibilidad nating mga magulang ang pagkakaroon ng anak... mindset bah mindset!!!!

okay teh, sabi mo e. ayoko na sumagot. bahala ka na.

Yung wala kang makain tas naganak kapa 😩 sana hindi kna nandamay ng bata mommy kung alam mo naman palang wala ka. At dahil anjan naman na yan gumawa ka na lang ng paraan ako kase kahit meron akong pang pabayad sa private sa center ko pa rin dinadala anak ko lalo kung simpleng sakit lang like ubo, sipon or uti kase same lang naman halos ng gamot na ibibigay tsaka hindi kapa gagastos kahit nga donation hindi sila ng hihinge kung wala ka may libre kapang gamot at vitamins kung wala talaga mommy maraming malalapitan gumawa ng paraan kase may rant. Anak mo yan obligasyon mo yan wag hayaang magtiis anak naten sa kung ano mang sakit dahil napakahirap!

Kaya nga anjan na mi kung anjan na gumawa ng paraan kung may sakit dalhin sa center dahil walang bayad don basahin mo ulit sinabe ko baka maintindihan mo.

Sorry not sorry. Pero kung ginusto mo yan face the consequences, hirap na sa pagkain pero nag anak pa, imbes na ikaw lang naghihirap nadamay pa anak mo. Isa pa, may center naman, tyaga lang sa pagpila para makakuha ng vitamins since libre. Hindi sa lahat ng pagkakataon ipapamper mga nanay dito na kesyo ganto ganyan, mas okay nga na nirerealtalk sila ng malaman at ma realize nila na hindi biro maging isang ina bukod sa magastos na mahirap pa magpalaki. Ung iba kalandian inuuna tapos pag nabuntis magpapaawa na walang pambuhay sa baby nila, utak kasi paganahin hindi kalibugan. Kung hindi ka pa financially stable then wag ka magpabuntis.

Ang pag-aanak kasi mommy ay isang malaking responsibilidad. Hindi dapat basta-bastang pinapasok ‘to kasi may buhay kang kakargohin. Sa hirap ng buhay ngayon, sayo na nga po nanggaling “kain na nga lang hirap na”, sana pinaghandaan maigi ang pagdating ng anak. Kawawa rin kasi mommy yung bata kung ganung estado ang kalalakihan ng bata. Walang kamalay-malay, di naman nya ginusto mabuhay sa mundo, idadamay pa natin sa hirap ng buhay dahil lang sa kagustuhan nating magkaroon ng anak. Sana po gets nyo rin. Wala pong batang maghihirap, mapipilitang magtrabaho ng maaga at hindi makakapag-aral kung lahat ng magulang ay responsable.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan