Ang Dami Naman pong bawal sa buntis na pamahiin?? 😅😑

Mga first time mommies. Ask ko lang po bawal daw po Ang pinya sa buntis?? Ee Yun nga Po gustong gusto ko kainin sa lahat Ng prutas. 😅 Minsan maiinis ka nalang Kasi sobrang Dami Ng ipinagbabawal 🥺

27 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

hello sis! isa ang pamahiin ng matatanda sa dahilan bakit tinago muna namin magasawa ung pagbubuntis ko. after 3 months naman pinaalam na din namin. isa kasi un sa mga nakastress sa kin nung una ko pagbubuntis. pero para sigurado ka lalo na sa pagkain, you ask your OB. first check up ko sa OB may listahan akong dala. nagchecklist kami. literal. hehe. di ko to nagawa sa unang pagbubuntis ko kasi nakunan ako dahil sa stress sa maraming bagay. i suggest na tanong mo lahat kay OB. meron din tong app na to ng guide sa pagkain. very helpful din sa kin lalo na pag late nights mga cravings ko at nahihiya na ko istorbohin pa si OB. 😊

Đọc thêm

Kung pamahiin lang po talaga, may choice naman tayong hindi yun sundin. Pero iba kasi yung may scientific basis at posible talagang may mangyari sa inyo ni baby. Sinasabi po na bawal ang pinya dahil pwede pong mapalambot ang cervix pero, kung in moderation naman, pwede rin. Marami lang talagang hindi kumakain nyan kasi ayaw naman nilang ipagsapalaran yung pagbubuntis nila. Mamaya may maramdaman pang kakaiba tapos mag-aalala rin sa huli.

Đọc thêm

Hindi po pamahiin yung about sa pinya. Totoo po yun, nakakadugo po yun. And yung unriped papaya kaya in moderation po ang pagkain ng pinya tsaka pag inom ng pineapple juice. Sabi p ng OB ko nakakapagpabuka yun ng cervix that can lead to miscarriage. Ikaw te, nasa sayo naman yan. Mgabasa ka ng mga article and google mo rin kung bakit di pwede ang pinya sa mga buntis. ingat!

Đọc thêm
3y trước

depende po sa OB nyo sis. Yung iba pinapakain ng pinya para bumaba na pwesto ni baby. Sabi rin ng friend ko, nakakaless daw ng pain nung naglalabor sya tapos sabi sa kanya nung dokotora kain sya ng pinya.

Nabasa ko na bawal ang pinya sa buntis dito sa app na 'to, pero kumakain parin naman ako ng pinya if matamis at available pero mga 3 pirasong hiwa lang, maximum na ang 4. May content ang pinya na nakakabuka ng cervix pero mangyayari lang yun kapag kumain ka ng 7 o higit pang buong pinya sa loob ng isang araw. Pero ako kahit isang buong pinya kahit super crave ako pinipigilan ko, mahirap ng magsisi sa huli. 12 weeks and 3 days here.

Đọc thêm

Ewan q nga ba anu totoo jan. Kc nung 1st time q mag buntis arw2x aq nbili niyan s umga pa.tpos kakainin q agd un hbang nag hihintay mag papasok sa employee entrance.Kc sa lbas Ng pinag wowork Kan q my nag titinda dun. Kya lagi aq nbili bgo pumsok.isang buong small size lng nmn skto lng pra sakin.ok nmn wla nmn Ng yari sa ank q.

Đọc thêm
3y trước

Opo Vit. C din kc Yan.Mgnda pa bukod kc sa mtubig sya n prutas nakakatulong sya mka digest Ng kinain.kya sure hindi k mhihirpan dumumi pg kumain k niyan.Pwera n lng kung sinbihan k tlga Ng OB n bwal sau Yan eh di wg mu kainin.my buntis kc n mselan.

Ako din nag buntis pero ni minsan di ako kumain ng pinya.. nakakain lang ata ako nyan nung kabuwanan ko na at nag crave ako sa adobong manok na may pinya. Disiplina na lang din talaga momshie di lang ikaw maaapektuhan ng mga kinakain natin habang buntis.

Cguro in moderation lang sis. Yan din sabi ng OB ko. Me enzyme kasi sa pineapple nagcause lumambot ung cervix. Pero wala kasi masyado studies. Kaya cguro ung iba iwas kainin. Ok lang cguro yan if in moderation. Tikim tikim lang ba.

hindi naman pamahiin ung sa pinya sis, may scientific basis naman un ,ung pinya pinagbabawal po un lalo sa first trimester ng pagbubuntis kasi pwede maging cause ng pag open ng cervix mo at maging cause ng miscarriage

Minsan nman kasi wala namang mawawala kung susunod e. Kagaya sa pineapple, mas nirerekomenda sya sa mga paanakin na. Search mo din muna bawat food na gusto mo kainin kung safe ba lalo na 1st time mom ka.

nuod ka po ng vlog ni Nurse yeza sa YouTube . sinabi nya Doon Kong Ano ung bawal na fruits. kase napanuod ko sa knia hindi naman daw bawal ang pinya sa buntis.