I Don't Know What To Feel
May mga chat conversations sya sa ibang mga babae. And below the belt na yong iba. Paano ia approach si mister para tigilan na nya ang pagchachat sa iba. Nararamdaman ko kasi talaga na may iba sya.

Same mommy. Hindi lang isa o dalawang beses ko siyang nahuli, maraming beses na. Kapag may nahuhuli ako tumatahimik lang ako. Hindi ko siya kinakausap o pinapansin. Tapos kakausapin niya ko bat daw ako ganon. Dun ko na sasabihin sa kanya yung reason. Tapos laging may screenshot ako ng mga convo nila ng babae just incase itanggi niya. Nakakagalit talaga yung ganon, di mo maiwasang murahin siya sa sobrang galit. Siya tatahimik lang. Syempre alam niyang mali siya eh. Tapos after ko mailabas yung sama ng loob ko dun na kami mag uusap ng maayos. Tinatanong ko sya bat kailangan niya pang kumausap ng ibang babae. Nagsosorry naman siya, di na daw uulitin. Minsan pa nga sinasabi kong maghiwalay nalang kami kung di siya makuntento samin ng anak niya eh. Kaso ayaw niya kesyo mahal niya kami ni baby. Ayun ngayon, okay na. Wala na akong nahuhuling ibang babae at mas lalo siyang naging maalaga samin ng anak niya.
Đọc thêm