Mga BakuNanays, napatakan na ba ng polio at naturukan na ba ng bakuna laban sa tigdas at rubella ang inyong mga anak?
Libre lang ang bakuna at nag ha-house to house ang mga taga DOH at center para sa libreng bakuna.
Kami naman ay nakapag-patak palang ng polio noong February 4 dahil resched ang aming bakuna laban sa tigdas ngayong February 24 dahil turning 9 months pa lang daw ang baby ko. At ang isa pa, kakatapos lang din namin magpa- PCV sa pedia namin last January 23.
Mas mabuti na ipakita natin ang baby record book sa kanila para alam nila kung pwede na ipa-bakuna ang ating mga anak.
Huwag natin ipagpaliban ang bakuna. Ito ang paraan para maiwasan ang mga sakit na polio, rubella at tigdas.
#ProudToBeABakuNanay #HealthierPhilippines #VaccinesWorkforAll #TeamBakuNanay #chikitingligtas
Mariel Mendoza