6 weeks, sac lang wala pang baby
Meron po na ditong mga same case na sa unang prenatal check up nila, 6 weeks na sila per UTZ result kaso sac lang ang nakita pero walang baby? Sabi ng OB ko, buntis naman daw ako kasi may bahay bata na kaso hindi pa niya talagang masasabi kasi wala raw nakitang baby. So need ko bumalik after 2 weeks. May slight bleeding din ako sa loob, so pinapatake ako ng pampakapit. Nakita rin po ba ang baby after 2 weeks ng pagbalik niyo? May heart na po ba? Dapat ba akong mabahala? Pang third baby ko na to. Hindi naman ganito nung pinagbubuntis ko dalawa kong anak. Early pregnancy, nadetect naman na ang baby. 🥲


Mother of 5 — 4 musketeers and 1 princess❤️