Hyperemesis Gravidarum/ HG
Meron po bang naka experience nito sa inyo? Yung tipong Oo gutom ka maya't maya pero grabi yung hapdi ng sikmura mo tapos namimilit ka sa sakit. Tapos lahat ng kinakain mo isusuka mo rin at kahit wala kapang kain isusuka mo padin. Tapos lahat ng amoy, ultimo kahit makita mo lang yung pagkain nawawalan ka ng gana? Kada suka mo na dedehydrate kana? Tapos sabay sabay lahat acid reflux/ heartburn yung parang may nakabara sa dibdib mo tapos constipated kapa. Gantong ganto po yung na eexperience ko ngayon, ang sabi nila sa first trimester lang pero para akong mamatay kasi di ko na kaya yung sakit. Kung na experience nyo rin po ito pwede pp bang malaman yung mga nangyari sa inyo at pano niyo nalampasan? Thanks po.