104 Các câu trả lời
Para po sa mga naguguluhan na mommies. Ang SSS Expanded Maternity Law ay effective na po last April 2019. 105 days - both normal & cs 105+15 days - both normal & cs (solo parent) 105+30 days - if may complication, yung addt'l 30 days without pay. So lahat po ng manganganak ng April 2019 onwards, covered na ng expanded maternity law. Ang ibig sabihin lang po ng nasa news, yung worth 70,000 na claims, makukuha po yan ng mga members na may maximum contribution na 2400/month. Lahat po ng mommy na manganganak January 2020 onwards. For mommies naman na ang delivery date is 2019, pro rata po ang computation na gagawin. *For your reference (Monthly Salary Credit): Old Maternity law (March 2019-below) - maximum of 16,000 MSC with 1,760 monthly contribution. New Maternity Law (April 2019-onwards) - maximum of 20,000 MSC with 2,400 monthly contribution. **For example EDD ko is January 6, 2020. Semester of contingency ko is Oct-Dec 2019, meaning hindi po ito counted so okay lang na kahit wala akong hulog sa ganitong month. From Oct 2018-Sept 2019 kailangan may hulog ako na at least 3mos para makapag claim ng maternity benefit. FYI, minimum lng po ito. Ang maximum po na iccompute ni sss ay 6months (kaya nga dini-divide nila sa 180days) Let's say April-Sept 2019 (covered ng new maternity law) ang maximum contribution ko is 2,400 per month, yan ang gagamitin ni sss since yan ang highest contribution ko. Eto magging computation: 20,000(MSC) x 6 (mos) / 180 = 666.67 x 105days = 70,000 Note: Para mabilis niyong maintindihan, kailangan alam niyo to: 1. Delivery Date 2. Semester of contingency (eto yung semester before your delivery date, hindi counted ang contribution niyo sa semester na to). 3. Covered contribution (1yr before delivery, hndi kasama ang semester of contingency) 4. Old maternity law applies old monthly salary credit (March 2019-below)
Hi. Employed po ako, nanganak ako last Aug 20. Hindi ako nagleave before nun so start ng ML ko is the day ng nanganak ako. I received 67k+ from SSS and additional from employer ko para mabuo yung 105 days na maternity leave benefit. Just want to, share the below computation para sa mga employed Mommies like me. Sa bagong batas meron na kasing tinatawag na salary differential si SSS. Here's the explanation: Maternity Benefit Salary Differential: The employer shall pay for the difference between the female employee’s full salary and the actual cash benefit covered by the SSS. The salary differential shall be subject to government premium contribution and withholding tax deductions. Formula: Full Pay x ML Duration in mos. LESS SSS Maternity Benefit = Salary Differential Salary Differential LESS Gov’t Premium Contribution & Tax Rate Full Pay – Monthly salary ML Duration – 3.5 (105 days), 4 (120 days) or 2 (60 days) mos., as the case may be Gov’t Premium – Employee share for SSS/Pag-IBIG/PhilHealth contributions Tax Rate – based on the tax table Sample Computation: 30,000. 00 - Full Payment x 3.5- ML duration in months --------------- 105,000.00 (56,000.00) - SSS Maternity Benefit 49,000.00 - Salary Differential (4,350.00) - Govt Premium Contri for 3.5 months (5.329.25) - WTAX 39,320. 75 - Net Amount for Crediting In total, the female employee shall be entitled to the following: SSS Maternity Benefit – 56,000.00 Salary Differential – 49,000.00 Total Amt. of Maternity Benefit = 105,000.00 Note: Kung self employed ka, di applicable sayo yung Salary Differential. Pero same pa din computation for SSS Maternity Benefit 😊 Depende yung makukuha mo sa amount ng contributions, as far as I know, meron dapat nacontribute na at least 6 months prior sa quarter ng due date. I hope it helps po ❤️
Required po. Nasa batas na po ngayon yung salary differential para sa mga employed
Ako po, nastop po ung sss ko nung march 2018 kasi umalis ako sa work ko , then june nalaman kong buntis ako, ininform ko po ung sss na preggy po ako.. and they told me na, bayaran ko daw yung month ng january to march and april to june ng maximum and 12,500 po yun lahat2. Last payment daw is july 31,2019 pagdo daw ako makapay ng 12500, di ko na daw maavail yung 63k, so july 30,2019 , binayara ko agad2 and ayun po okay na po.. next yr , after mangank pede ko na po iclaim ung pera :) 63k po ung makukuha ko, di po 70k, kasi makakakuha daw ako ng 70k if babayaran ko pa daw ung july to sept. So stop ko na masyado kasing malaki ang monthly 2400. Baka wala ng matira sa sweldo ko :)
Hi po momsh, update lang ako, kanina lang tlga ako nakabalik ng sss to compute my matben .. gusto ko lang iconfirm na 63k po tlga ang makukuha ko after kong manganak .. :) para po malinaw na sau momsh :) di ka po kasi naniniwala
Sa mga due ngyon taon wala pa yan mommy.. Start sa mga due ng Jan 2020. Marmi po kasi factors calculation ng maternity benefits 1. Cover period which is based on due date mo 2. Monthly Salary Credit 3. Contribution Sa ngayon ang mkukuha lng ng mga due ngyon basta po sagad ang monthly contribution around 35 to 50k+ po.. Ito sample computation po nabasa ko, ubg RA11210 po, accurate po ito kasi tama po ang mat benefits n calculate ko. Hope it helps you.
Balak mo maghulog ng 6 months. May coverage period kase depende sa edd mo. Tulad ko jan 2020 edd ko coverage period ko oct 2018 to july 2019 ang hulog ko january 2019 to june 2019 kaya pasok ako sa maternity benefits. May kasabay ako na buntis non sabi ng clerk sa kanya di sya pwedeng makakuha kase lipas na ung buwan 2018 di na nia pwedeng hulugan. Atleast 3 months naman e kaya pa yan ihabol pumunta ka sa sss branch malapit sa inio para masettle mo na.
oct2018-sept2019 ang my hulog k po n khit 3 months pra mkpsok..pero oct n..kung hhulugan mo po ung past monthok lng kaso d n xa pasok s matben d nila inaaaply s matben ang late payment..mangyyri nyan contri n lng xa..
Sa 2020 pa yang 70k maximum benefit for normal and caesarian at 80k sa solo parent kung edd mo is feb 2020 pasok ka sa 1st quarter ng (jan.feb.march)exluded mo yung semester of contingency .Bale kasama sa computation is october 2018-september 2019.Pipili ng 6 maximum (msc) multiply sa 6 at divide sa 180 at multiply sa 105 kapag normal at caearian .kung solo parent multiply sa 120
ako po makaka claim po ba ako? nag resigned po ako noong oct 2017. then i got pregnant march 2019. so i file the mat 1 last july 15,2019 for voluntary. then sabi nila byaran ko daw yung january-june start 1st payment ko then next payment ko was last week for aug-sept na voluntary contribution.. Sa tingin nyo po pasok nmn po ako dibah? EDD ko po nov 2019 bka abutin pa ng dec 1st week
ok thanks
Hi mga mamsh. Eto gawin niyo po reference. Eto po din yung sinabi sakin dun sa SSS nung nagtanong ako. May 12 qualifying months po kase na tinatawag. Example, EDD ko is December 2020, dapat from July 2019 to June 2020, may nahulugan akong atleast 3 months consecutive para maqualify. :) Kaibigan ko po nakakuha ng 68k last month lang. :) Hope this helps kahit papano. Hehehe.
paano po kung May 2021 ang EDD ko? tapos may hulog enployer ko from feb to september. kakaresign ko lang.
Ask lng po sakin edd ko feb 2020 pero nakahulog po aq june 2019 lng july ,aug, sept, oct, d ko na po nahulogan sss ko plano ko sana hulogan oct, nov, dec, jan,feb para mcompleto ko yung 6 months voluntary member po aq... 1500 po monthly ko ... Pwd ko pa kaya ituloy ang hulog ko mkkaavail pa kaya ako ng sss q... Pwd pa kaya yun ....???? Pksagot pls ....
I agree
Effective na po yan. Nakatanggap nako from my employer which will be reimbursed from SSS once I get back to work. Yung amount depends sa # ng contributions mo. Pero definitely up to 70k na makukuha. :) Btw, January pa ang EDD ko but nagfile nako ng ML since Nov 30 kaya nareceive ko na yung SSS benefit ko. Hehe!
Sakin partial bibigay . January pako manganganak . Half before manganak tas ung half pagpasa ko daw ng mat2 . Pero may 1 year na hulog namn ako . Di pa sinasabe kung magkano makukuha ko .. sabe daw sa salary daw naka based ung makukuha kong maternity . Pano po ba pag employed ..
Melissa San Andres Agustin