Meet my Baby👶

Meet my Miracle Baby (32 weeks) McEiverson Dmithree September 09, 2020 1.575 kilos Share ko lang po yung mga pinag daanan namin ng Premature Baby ko💕 Pangatlong anak ko na po si Baby Dmithree yung First and Second ko po premature din ( 6 months and 3 months) po pero kasama na po sila ni Papa God noon palang pinanganak ko sila😢. At ito na nga po nabuntis ako kay baby Dmithree at dahil nga ayaw ko na ulit pa yung mga nangyari sa First and second ko inalagaan ko pong mabuti ung pinag bubuntis ko simula First Trimester palang naka Bedrest na ako Hangang sa dumating ako sa 27 weeks nag preterm Labour ako kaya na admit ako sa Hospital hanggang sa nakapanganak ako mahigit isang buwan kami nasa hospital para lang maagapan sya kc nag 4 cm na ako kahit napakalaki ng babayaran hnd ko ininda un kht hnd ko alam kung saan ako kukuha kc ang mahalaga sa akin ung baby ko na hindi ko na kakayanin pa kung pati sya mawawala sa akin kasi ang pera nahahanap naman yan ang mahalaga buhay ng baby ko, ayun na nga saktong 32 weeks ko nag labour ako bigla akong nag 6 cm ppgilan pa sana ulit ng OB ko na lumabas sya kaso lang naawa na rin sya sa baby ko at sa akin sabi nya may awa naman ang Diyos cguro makakaya na nyang lumabas sa Tummy ko at yun na nga nanganak na ako 7:48 a.m lumabas na sya 10 mins lang ako nag Labour pag labas ni baby sobrang lakas nya umiyak cmula lumabas sya sa akin hanggang dnala sya sa NICU umiiyak sya which is ok na ok daw un sabi ni OB ko magandang indikasyon daw un na ok c baby ko. Sa ngayon naka incubator sya pero walang kht na akong aparatus na nakalagay sa kanya wala dn nakakabit sa kanyang Oxygen kht nung una palang kc strong na daw ung Lungs ni Baby naka 8 shots kc sya ng Steroids nung nasa Tiyan ko palang, nag papasalamat ako ng sobra sa Panginoong Diyos kc hnd nya kami pnabayaan lalong lalo na si baby ko sobrang strong nya lumalaban sya ang lakas nya dn dumede natutuwa ako kc tuwing pupuntahan ko sya mas nag iimproved sya Nag papasalamat din po ako sa Group na to kc ang dami kong natutunan at sa mga members na nanalangin sa kaligtasan namin ng baby ko maraming maraming salamat po sana po patuloy nyo pa rin pong ipagdasal ung baby ko para sa agarang recovery nya Maraming maraming salamat po❤ Godbless po😇

Meet my Baby👶
145 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

God is good mamsh, congrats. 😇😇😇. Same tayo ng case pero kaibahan lang sayo na feel mo mga kicks nila kasi umabot sila ng 6 months yung saken kasi twice ako nakunan gang 3 months lang pareho. Masakit talaga mawalan ng baby lalo na kung gustong gusto niyo na mag Asawa. Congrats saten mamsh kasi binigyan talaga tayo ng pagkakataon maging ina. Nung June ako nanganak mamsh pero CS naman ako. Pero atleast safe kame pareho Di kasi ako nag labor at over due na baby ko. Kaya cguro Di ako nag labor kasi ang dami ko iniinom na pampakapit sa kanya. Pray lang tayo mamsh maging okay rin si baby mo. God Bless 😇😇😇

Đọc thêm
Super Mom

Aww! ❤ ang strong naman ni baby Dmithree. Palakas and palaki ka pa lalo baby ha and hoping everything will get better. Totoo mommy. Ang pera mahahanap pa at kikitain pa pero ang buhay ng bata ay napaka priceless. Be strong lang and continue praying. Pasasaan ba at ma oovercome mo din mommy ang pinagdadaanan mo ngayon. Praying for you and your baby's health and safety. 🙏 God bless you both.

Đọc thêm

same story tau..nanganak ako aug 12 pero nagopen ung cervix ko ng july 26..bedrest and sa bahay lng ako ng take ng meds.. 31w and 4d naman c lo nung nilabas..nka 6shots ng steriods..good cry din sbi ng doc.. hindi na naincubator c baby kc malakas sya..pinabigat lng sya kc 1.79 sya nung nilabas pero before kmi umuwi 2kls n sya..nkauwi n kmi sept 1.. congrats po

Đọc thêm
Thành viên VIP

yung pagmamahal talaga ng isang nanay walang kapantay yung iisipin mo kapakanan ng anak mo maging malakas at healthy sya congratulations mommy ❤ godbless sainyo ni baby nakakabilib ang anak mo sobrang lumaban sya para sayo siguro di will ni god yung naunang dalawa mong anak but this time eto na ata yun godbless mommy keep safe sainyo ni baby ❤🤗

Đọc thêm

ako nga 36 weeks palang tiyan ko eh dapt ininicu si baby ang kaso walang tumanggap samin na ospital kahit sa lying in wala din kasi nga daw premature kaya sa bahay ako inabot ng panganganak ok naman si baby masigla sya 😁😊mag two months na sya bukas❤️😊

Post reply image
4y trước

sa bahay lang😊

me too...nakarelate ako sa hirap mo mommy...sa bunso ko rin almost bed rest ako the whole duration of prengnacy dahil sumasakit at humihilab...but God is so good...my baby now is 7 months old, saktong 34 weeks ko siya nilabas

Thành viên VIP

Tunay na npkastrong mo mommy ☺️ God is always good and faithful to us... alm nia kakayanin mo dahil strong kayo ni baby... may the Lord always give you strength and continue praying mommy kayang kya mo po yan ☺️

God is good mashhh. malalagpasan ng baby mo yan. tignan mo ang lakas lakas nya ni oxygen walang naka lagay skanya. hehe keep it up baby marami pa pangarap sayo mommy mo😍😍 pray is the key mashhh.🙏🙏😇😇

Congrats po mamsh. Infairness malaman sya tingnan at 1.57 kgs ☺️Ang cute Ng expression nya, prang sabi nya "I got this mommy" chill lng tayo. Praying for your speedy recovery mamsh and baby.

hugs' and prayers for your baby hopefully soon maka recover at lumakas na c baby mo God is Good all the time...makakarecover na c baby mo...in jesus name Amen 🙏