Meet our Little Miracle?
EDD: March 25, 2020
DOB: March 11, 2020
via Emergency CS
6.10lbs
Girl
Nagstart sumakit ang likod ko March 10 ng hapon hanggang sa hindi kuna kinaya nung gabi. 10pm pinadala na ako sa hospital dahil humihilab na rin ang tyan ko. Pagka IE sakin, close cervix and mataas pa si baby so pinauwi muna kame. Kauwi, around 11:30pm magdamag akong hindi nakatulog dahil sa sakit ng puson. Kinabukasan, may dugo na sa panty ko akala ko Mucus plug na at patuloy pa rin humihilab tyan ko. Around 9am, padame ng padame ang dugo na lumalabas. 11am, nagpacheck up na kay OB. Hindi na ako inIE dahil masyado raw malakas ang bleeding ko and kailangan na ma CS dahil close cervix and mataas pa rin si baby. Dineretso na ako agad sa hospital para i NST immonotor na ang movement ni baby. After ng NST agad agad naCS na ako.
So ang findings, na emergency CS dahil sa heavy bleeding. May pumutok na pala na ugat sa loob dahil sa bigat ni baby and matubig tyan ko.
Sa mga nagtatanong na baka hindi ako nag eexercise. I started to exercise, 35 weeks. Walking morning and afternoon and squats ng 30mins.
Talagang, hindi lang maopen cervix and may pumutok na.
So ayun, after all nang nangyare, we are still blessed!! Nauwi kuna ang napaka healthy and cute kong baby girl??
Thank you sa app na ito, dati nag babasa lang ako ng mga kwento ng nanganganak. Ngayon, ako na ang mag sshare ng experience ko. ?
Breastfeed din po ako, the next day after ko maCS pinilit kuna sarili ko na puntahan si baby sa NICU para ipagbreastfeed. Ngayon, 4 days na sya and malakas na supply ng breast ko.
So sa mga mommies na malapit na manganak, magpaka lakas kayo. Sundin si OB eat healthy foods! Kahit na ayaw natin maCS kailangan prepared ang katawan natin sa matinding sakit na pag dadaanan either CS or NORMAL. Mahirap pa rin! God bless po sainyo and thank you sa pag basa ?
Princess Bustria Murillo