Baby's Out 10/06/2019 2:35pm

Meet Alessia, 3.3kgs 50cm via NSD cord coil x1 (40w5d) EDD: Sept 30 BD: Oct 6 Closed cervix ako when I was admitted 1-2cm lang, actually since nag 37 weeks ako. Inabot na ko due date Sept 30 wala pa din always false labor, lahat na try ko na squats, walking, epo, hot food, pineapple, do, and everything.. Wala talaga sobrang anxious na kami lahat, kasi lagpas na ko sa due, last ultrasound ko was Sept 30 EDD ko un, okay naman sa ultrasound lahat lahat, so nothing to worry about. Pero nung Friday talaga super anxious na and Saturday follow up ko kay Dra nasabi ko na we're afraid baka maka poops na si baby sq loob, 1-2cm padin ako ano pwede namin gawin, then she decided to induce me. 6pm Saturday I was admitted, walang nangyayari until kinabukasan Sunday morning wala pa din IE siya ng IE still I'm at 1-2cm padin, nag add ng pampahilab, pinaglunch muna ako light meal bago nilagyan ng gamot, so ayun after nun my water broke, and humilab na ng todo pag IE sakin 5cm na ako, hindi na tumigil ung sakit hanggang suka ako ng suka dahil sa kinain ko, inaaway ko na mga tao dun rami ko audience family ng partner ko, worried kasi sila, sabi sakin baka Ma CS ako pag hindi talaga bumaba si baby, pero thank God, ayun bumaba and 2:35pm lumabas na siya, dun lang they found out na cord coil pala, we were surprised kasi hindi nakita sa recent ultrasound ko un. Kaya pala hindi siya bumababa dahil dun, and sobrang bait ni Lord dahil di niya kami pinabayaan, sumigaw lang ako ng malakas nakalabas siya though ang haba ng hiwa ko dahil ang laki rin po ng baby ko. Sobrang galing rin po ng OB ko, Dra Real ng St Therese super hands on.. Pinush niya talaga ma normal del ako since sa eldest ko NSD din, kaya sayang daw if ma CS daw ako. To God be the Highest Glory! Good luck and have a safe delivery mga momsh! ❤️

2 Các câu trả lời

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan