10 Các câu trả lời
Sa ganitong punto ng pagbubuntis, mahalaga na maging maingat at alagaan ang iyong kalusugan at ang kalusugan ng iyong sanggol. Ang pakikipagtalik sa iyong asawa ay hindi magiging hadlang sa pangangalaga sa sanggol, ngunit maaring makatulong ang tamang posisyon upang mapanatili ang kaginhawahan at kaligtasan habang buntis ka. Bilang general rule, ang mga posisyon tulad ng side-lying o spooning positions ay maaaring maging mas komportable para sa iyo at hindi nagkokompromiso sa kaligtasan ng iyong sanggol. Subalit, mahalaga pa rin na mag-usap kayo ni hubby sa iyong healthcare provider upang masiguro na walang anumang panganib o komplikasyon sa pagbubuntis. Huwag mag-alala, hindi ka nag-iisa sa iyong pag-aalala para sa kalusugan ng iyong sanggol. Maaari ring magtanong sa iyong doktor o obstetrician para sa karagdagang kaalaman at payo tungkol sa pagtatalik habang buntis. Ang mahalaga ay maging bukas sa pakikipag-usap at magtiwala sa iyong mga desisyon na magiging ligtas para sa iyo at sa iyong sanggol. Patuloy na alagaan ang iyong sarili at tangkilikin ang yung pregnancy journey. Sumangguni sa iyong healthcare provider para sa tamang gabay at suporta sa pagbubuntis. https://invl.io/cll7hw5
pag sabi ni ob mo low risk pregnancy ka lng, ok lang sexual contact. same with me. hehe palagi rin kami nag do do 1st-2nd tri eh, & comfy sa amin yung side view position. ngayong 3rd tri na, bigat na ng tiyan ko kaya minsan nlng. yung intercourse nmin para nlng makahelp sakin mag labor kase 38wks plus na ako now.
grabe mommy sana all may energy 😅 pero if di ka naman dinugo at di po masakit puson nyo after intercourse okay lang. ingat lang po baka masobrahan sa penetration si hubby. ako kasi nawalan ng energy nung napreggy, nag ingat den kami kasi 1st baby bawi nalang kami after manganak 😅
hingi pa din ng advice sa ob kung pwede ka iinform mo sa kanya lahat. minsan kasi kahit di maselan at nag orgasm pwede makacontract ng uterus lalo na kung naabot pa pala kayo ng 2nd round
Kung di naman high risk pregnancy mii, okay lang pero hinay hinay pa din. Samin kasi ni hubby nakapriority safety ni baby kahit hindi ako high risk pregnancy.
Kung Nd Ka. maselan at mataas nman placenta at Nd Ka dinudugo pwde po katulad SA case KO bawal saakin loving kasi uminom ako pampakapit lagi aq spotting
Base po sa experience ko okay naman po as long as hindi ka po maselan, pero mas maganda d8n ho mag ask sa OB para mas safer po.
Sana all may round 2 :D Basta komportable ka at di ka dinugo saka dapat hinay hinay din kayo. Pero consult mo din yan sa OB mo
If hindi ka naman po high risk pregnancy baka po pwede, pero better to seek advice from your Ob pa rin po maam.
ok lang naman yun mi, basta hindi la maselan sa pag bubuntis