10 Các câu trả lời
19weeks nawala baby ko, kase araw araw ako bumabyahe papuntang school tapos onting lakad. Umaangkaa din ako sa motor pag uwi pag sinuaundo ako, tapos pag gising ko masakit na tyan ko kala ko normal lang kailangan ko pumasok kase may exam kame tapos habang nag eexam nag lalabor na pala ako, masakit siya talaga aangat pwet mo sa sakit. Tapos nag try ako pumunta ob kaso nasa bakasyon siya, kaya nag decide ako na umuwi na lang. kinakausap ko na kumalma tapos yon pag ihi ko may dugo na. nag iiyak at nag sisigaw na ako na dalhin ako sa ospital, tapos nung dinala ako sa ospital ayaw ako iadmit kase 2cm palang. pinapainom ako ng pampakapit pag uwi pag tayo ko di ko talaga kinaya hanggang sa sinabi ko iadmit na nila ako after ilang minutes pumutok na panubigan ko. sabi ng mga kasama ko naihi lang daw ako kase sabi ko bago ako tumayo naiihi na ako eh. so ayun, pag tapos pumutok ng panubigan ko nanginig buong katawan ko pati laman ko kala ko mamamatay na ako nilipat nila agad ako sa delivery room ng di pa din siya lumabas kase buhay pa siya pero yung paa niya palabas na edi nakaharang lang siya. sabi ng ob ko nung dumating hihintayin na lang daw namen mawala heartbeat niya. halos nag stay ako ng 2days sa ospital, ang tagal niya di lumabas, tapos nag paalam na yung papa niya skanya sobrang likot niya non yun na pala yung huling record ng malakas na heartbeat niya. hinintay niya lang talaga papa niya. Hindi alam anong dahilan pero sure ako na dahil sa byahe, tagtag at stress kaya nawala si baby. kaya sa mga mommies diyan, need ng matagal na pahinga at walang stress lalo na ngayon may pandemic. ingat sa lahat ng mommies and sana maging healthy ang mga baby niyo. Buntis na ulit ako ngayon, 19weeks bed rest ako hanggang sa mag 6 months tyan ko. kaya ingat na ingat ako ngayon. sorry haba. hahahaha gusto ko lang din mag bigay ng warning sa iba kase ayoko maranasan nila yung sakit na naranasan ko nung nawala baby girl namen. Ingat always mga mommies. February 14, 2020 9:04am
Second trimester palang po ako everyday ako sinusundo ng Asawa ko sa work, nakamotor, nakakatadtad po ba yon ?? Need ko na Kaya mag stop sa work Kung ganon?? Worry po ako 27 pa schedule check up ko , per nararamdam ko pitik2 sa puson ko, dami ko lng nababasa na bigla nalng nawawalan heartbeat baby nila, 😔 Magbed rest nalng po kaya ako? Kahit wla namang blood spotting sakin??
Bed rest ka muna masama kasi sating mga preggy ang sumasakay sa motor and matadtad. 7weeks preggy ako nung pinag bed rest ako ng OB ko. Until now 3months na si baby naka bed rest pa din ako to make sure na safe sya.
Yung mother ko, many many years ago. nakaka-amoy kasi siya that time ng amoy ng pintura everyday kasi ung kapitbahay namin nagpipintura. Tapos nasstress siya kasi lagi nga niya naaamoy ung pintura. I think 4 months na siya noon. :(
hi baka pwede magtanong 2nd trimester palang ako 14 weeks and 5 days na po now. pero nakakaramdam na ko ng paninigas ng puson simula kahapon ng umaga tapos naulit na naman ngayong umaga. normal lang po ba ito? thank you po FTM
pacheck up ka po.. wag isawalang bahala
yung tita ng bf ko, kase lahing tagtag yon dapat di muna magpatagtag kapag wala pang 6 months tyan kase malalaglag talaga si baby
Kaibigan ko po 6months na tyan nya. Sa sobrang stressed nya nawalan nalang kusa ng heartbeat baby nya.
May chance padin po pala. Akala ko first trimester.lang 😪
tagtag msyado at stressed, some of the main reasons..
Ako before 5 months over stress saka na tagtag
Incompetent cervix
Anonymous