2 Các câu trả lời
Hi mommy. Same, late register din BC ng baby ko lastweek ko lang po natapos. Hindi po ba inexplain sainyo yan mommy? Medyo same tayo ng requirements. Share ko na lang yung sakin. Una, pumunta po ako ng munisipyo then nagbigay sila ng req. para mafile BC ni baby. Ang req. ay (Valid ID both parents, baby book, bgry.certificate at cedula). May pinapirma po saakin yung staff sa likod ng BC ni baby then tinanong kung asan yung tatay ng anak ko kasi may pipirmahan din sya. Ako lang po kasi mag isa non hehe. Then bumalik ako kasama na tatay ng baby ko, para pirmahan yung sa likod ng BC ni baby. Ipinasa ko yung xerox copy ng Valid ID namin, Baby Book ( sila na magxexerox), Brgy. Certificate (pumunta muna ako ng brgy. namin then itatanong nila kung para saan ang pagkuha ng brgy.cert so sabi ko para sa Late Register ng BC.) Cedula (hihingi kadin po sa brgy. at pinapirma ko yung papel na galing sa munisipyo). Pangalawa, bumalik ulit ako para ipasa na lahat yan. Pagkatapos ko po ipasa, may mga ipapapirma ulit sayo. Then after ng ilang minuto ipapanotaryo ko na yung mga documents na binigay sakin nung staff. After ulit non, tatawagan na lang ako para makuha ko na mismo yung BC ng baby ko. 4copies lang yung nasakin mommy, yung isa nasa Hospital. Babalik ako don para ibigay yung pinafile ko.
Iya Dela Torre