Open lang po walang masabihan

Matagal ko na to pinag iisipan hindi lang dahil sa financial pero isa sa dahilan yan. simula kasi nanganak ako nag iba na samahan namin mag asawa 2x na sya nambabae,alak, barkado , yosi sya nakakaumay na araw araw away dito away duon . may isa saamin nag suggest na bumukod kami para maiba environment namin kasi kaya baka ganun si hubby dahil alam nyang may sasalo sa kanya... Bumukod kami syempre may ipon naman kami ganun parin away parang wala na yung respect namin sa isat isa hindi na masaya may pera o wala ganun padin binibilan nya ko foods ok thank you pero iba yung pakiramdam ko dati before manganak mag jowa palang kami sa ngayon ramdam ko din naman sya kapag mabibigayn ko sya ng luho nya mahal nya ko kapag wala palagi ako inaaway and then 1 day dunating yung worst na wala kami pera naubos na ipon ko hindi nagkakasya sahod nya nagsabi ko sa kanya na wala na kaming pera hinay hinay muna sya sa gastos nagalit sya magtrabaho daw ako So nagwork ako nagalit sya wala daw magbabantay sa anak namin nahihirapan daw sya gusto nya kasi kapag uwe galing work tulog na sya hayahay nalang mag ccp sabi ko teamwork lang para maka survive nagalit parin sya. dun ko nakita yung worst na part na nakadepende parin sya sa magulang nya dahil sinisisi nya ko bakit sya nahihirapan kundi daw kami bumukod ok pa buhay nya. mas lalo tuloy tumaas dahilan ko na iwan sya dahil sa ugali nya wag nyo ko ijudge or bahala na kayo kasi hindi ko maikukwento lahat ng pinagdaan ko sa pamilya ng asawa ko at sa asawa ko mga tiniis ko para buo ang pamilya ko minsan nag open ako dito about sa asawa ko sabi nyo hiwalayan ko pero everytime na makikita ko anak ko na excited tuwing uuwe papa nya galing work sinasabi ko sa sarili ko kaya ko pa magtiis para sa anak ko pero habang patagal ng patagal ang panahon nawawalan na ko ng amor sa asawa ko feeling ko nagsasama nalang kami dahil sa anak namin nagsesex nalang kami dahil sa lust hindi dahil sa love

1 Các câu trả lời

Hi po mag-usap po kayo ng masinsinan heart to heart yung pareho kayong kalmado.Baka po di lang kayo nagkakaintindihan.Para po kasing may love pa naman kayo sa isa't isa kasi nagkakaroon pa rin kayo ng physical contact kasi kung wala hindi na kayo magkakaroon ng intimacy.Isipin at tanungin mo sarili mo at sya kung kaya nyo maghiwalay.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan