12 Các câu trả lời
Bonggang tiis ang kailangan mii. Ako nga last year ganyan din. From 20 weeks hanggang 36 weeks na diet. Rice ko every meal halos 2-3 subo lang kasi takot ako maCS at takot ako na mapahamak ang bunso namin. Past pregnancies ko kasi normal lahat. Plus mababa pa dugo ko, low lying placenta pa, breech pa si baby. So grabe pagtitiis ang ginawa ko maclear ko lng lahat. Kung mas ipriority mo ang kapakanan nio ng baby mo over cravings, malalagpasan mo yan. Goodluck mii.
Mind over matter mommy.. Kaya mo yan lalo na kung advised sayo less sugar muna.. Isipin mo nalang para yan maging safe kayo both ni baby delikado kasi pag uncontrolled ang diabetes ang dami komplikasyon.. GDM din ako nung buntis at controlled ang sugar level ko thru diet lang kaya Ok kami ni baby nung naipanganak ko siya wala complications ng diabetes.. Kaya sundin mo si OB mo mii mahirap pag di mo nakontrol yan mag iinsulin ka niyan
i feel you mii, mataas din sugar ko kaya pinabawasan ako ng kain at pinaiwas sa matatamis favorite ko pa naman leche flan at egg pie,.. pero masasanay ka din mii, ako nasanay na 2x a day ako checheck ng sugar ko pra lang mamentain ang sugar ko, nasanay na din ako ulamin ang kanin at gawing kanin ang gulay, kaya, kaya mo yan mii para kay baby ☺️😁
try to take glucerna makakatulong sya to minimize your sugar ganyan den ako im a diabetic unang kuha saken ng dugo na preggy ako mataas nasa 10 (hindi sya fasting) tas pinaulit after few days then nag start ako mag glucerna every day after ulet ma test 6.4 nalang sya (hindi ulet fasting) nag normalized sya.. pero pinapabantayan pa den since diabetic ako baka daw biglang tumaas ulet..
Mataas din po sugar ko kaya need 4x a day mag monitor ng sugar. Sweets din po cravings ko pero hnd po ako kumakaen dahil iniisip ko kalagayan ni baby mahirap po kc pag hnd na macontrol sugar maapektuhan din si baby. Kausapin mo dsi baby momsh and tiis tiis lang para sa health nyo din dalawa ni baby 😊
Thank you po💖
tiis lang po. may gdm din ako nung pregnant, iniisip ko na lang na makakasama kay baby pag hindi na-control blood sugar ko. nung una tumatakas ako ng tikim, until pinagsabihan ako ng doctor na bawal na tumikim ng matamis kahit konti dahil high normal na ng amniotic fluid ko.
hays gnyan din prob ko now. hndi ko ncontrol sugar ko kc diko sinunod ung advice na mgdiet kc tlgang ngccrave aq lge s mtamis. ayun eto nag iinsulin ako hanggang mkalabas c baby 😔
Will power lang po. isipin nyo na lang si baby. di po maganda na mataas ang sugar ni mommy. may cause distress kay baby and worst stillbirth po... better control and discipline lang po..
Thank you po💖
same nung buntis ako naglilihi ako sa matamis ayun diabetic ako nagbrown rice muna ako ng 1month at iwas sa matamis bago manganak buti okay si bb
opo sige po mi
kaya mo yan, nakaya ko nga na everyday ako dati kumakain ng sweets not to mention i bake. sa umpisa lng yan mahirap
hulaan ko yan babae yang pinag bubuntis mo mahilig ka sa matamis ei
hala boy sabi kc pag matamis daw ang pinag lilihian ei babae pag maasim naman daw lalake
Xhin Ji