Happy or Not? or maybe just tired?

Masaya pa ba kayo sa buhay may asawa na meron kayo ng partner mo? And why? Kwento naman kayo? #opentopic #munimuni

Happy or Not? or maybe just tired?
68 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

10 yrs na kaming together ni hubby. 9yrs old na panganay namin at magkaka sec. baby na kami soon. Sa 10yrs na mag asawa wala akong naging problema sa ugali ng asawa ko pwera nalang ng umuwi kami sa probinsya ko noong yr 2018 at naiwan sya sa lugar naman nya.. 1yr kaming di magkasama at doon nasubok ung tatag ng relasyon namin kasi nalaman kong nagkaroon sya ng ibang babae at ang masakit inuwi nya pa sa sarili naming pamamahay. Sobrang sakit para sakin. Diko alam kung iiyak nalang ba ako or what.. Di ako makapaniwala na dahil lang sa isang taon na wala ako sa tabi nya naghanap sya ng ibang babae. Lumipas ung buwan na halos di na kami nag uusap ng maayos,laging nag aaway,kahit anong hingi nya tawad di nawawala ung sakit sa puso ko..yong tiwalang buong buo kong binigay sa kanya nawala ng tuluyan..ayoko syang kausapin kasi lagi lang umiinit ang ulo ko sa knya. Diko masabing gusto kong makipghiwalay kasi natatakot ako para sa mararamdaman ng anak namin. Humingi ako ng SPACE na wag muna kami mag usap na dalawa kahit na pati magulang nya nagmamakaawa na din na bigyan ko ulit sya ng chance kasi naniniwala dw silang natukso lang asawa ko sa ibang babae.andon na kasi time na gusto nalang magpakamatay ng asawa ko sa labis na pagsisisi nya kasi di dw nya alam bakit dw nya nagawa un sa akin. Araw araw syang humihingi sakin ng tawad at di na dw nea uulitin basta bumalik lang kami sa knya. Hanggang sa dumating ung point ko na ipaubaya nalang sa dios ang lahat kasi diko na din alam ang gagawin ng mga times na un.. Sinundo nya kami sa probinsya ko,umuwi kami sa bahay namin at sa taong 2019 walang araw na di sya bumabawi sa akin kahit na bahay at trabaho lang sya,kanya lahat ng gawain,rules ko lagi ang nasusunod,lahat ng ipagawa ko wala syang tanggi sa pagsunod. Merong times na pinagdududahan ko sya na baka my babae pa sya pero di sya sumuko kasi sabi nya kasalanan naman dw nya. Kaya maghihintay dw sya kung kelan babalik ulit ung tiwala ko sa kanya. A Half yr. of 2019 nag try akong unti unting magtiwala sa asawa ko kahit na nakakatakot ulit magtiwal. Alang alang sa anak namin sinubukan kong palambutin ung puso ko sa kanya kasi nakikita ko naman kung papano sya bumawi sakin. Hanggang sa nabuo ung pangalawang baby namin.. Masasabi ko ngaun na bumawi talaga sya ng sobra.. Topakin akong tao pero lagi syang nagpapasensya sa ugali ko. Lalo na ng malaman naming magkakababy ulit kami walang araw na di nya pinaramdam sakin na mahal nya ako at kami ng anak namin.. Pinakita nyang nagkamali lang talaga sya noon. Ngaun,,37wks na ung tummy ko malapit na din manganak. Next wk na at pareho kaming excited. Nakaalalay sya sa lahat ng pagkakataon hirap man ako o hindi..parati syang anjan para sakin. Masasabi ko naman na mas naging ok relasyon namin ngaun sa kabila ng nangyari at tuloy tuloy pa din naman nyang pinararamdam sakin na "kami yong mahal nya" at nagkamali lang talaga sya noon..

Đọc thêm
5y trước

How do u cope with the trust though? Paano kapag nagpaalam sya tapos di nya nasunod, for example, sama sa kaibigan tapos nalate uwi?

Oo. Masayang masaya ako sa asawa ko. Hindi ko alam kung anong ginawa ko para i-bless ng Panginoon. 10 yrs kami naging mag bf/gf bago nag asawa. Salamat sa Dyos at nabigyan kami agad ng baby boy. 5 months na ngayon ang baby namin. College sweethearts kami at first boyfriend ko sya. Habang tumatagal mas lalo ko syang nakikilala, mas lalo ko syang minamahal. He has grown into a very responsible and caring person. Matalino, gwapo, hardworking, faithful, may takot sa Dyos, bonus na lang na mayaman sila. Parang talo ko pa yata ang tumama sa lotto dahil sa napangasawa ko. Pati ang mga parents in law ko, sisters in law, lahat sobrang bait, maalalahanin, sobrang supportive at sobrang dali pakisamahan. I guess naging ganoong klase sya ng tao dahil na rin maayos ang pagpapalaki sa kanya. Malaki ang respeto namin sa isa't isa at sa bawat desisyon na kelangan naming gawin, alam ng isa't isa. Parang pelikula pero totoo. Araw araw ako nagdadasal at nagpapasalamat sa Panginoon. Ayokong makalimot sa Dyos kasi minsan kapag masaya tayo ang tendency nakakalimutan natin Siya.

Đọc thêm

Masaya. Kht parang naging panakip butas namin ang isat isa hahahahaha parehas kc kame broke nun nung naging magclose kame.then naging kame agad at nagkababy agad agad(marupok parehas🤣) Mgkaworkmate kc kame. Same 4yrs ung mga past relationships namin. LDR kme ng ex ko ng 3yrs and 6months.brinake nya ko kc gusto nya mgchange ako ng religion pero d aq pumayag. May paiyak iyak pa ko nun sa work habang nagmimeeting kame nakakahiya 🤦‍♀️🤣. Ung sa husband at ex nya naman d na daw nag ggrow ung relationship nila at cold pa ung girl at nung inaaya na nya daw mgpakasal ayaw pa nung girl. Ilang beses na daw nya inalok ng kasal kaso andaming dahilan daw kaya ayun. Malayong malayo ugali ng husband ko sa ex ko buti nlng hahahahaha thanks to my ex napunta ako sa kung san ako naging masaya 😊🤗 sobrang bait ng asawa ko kht minsan naiinis ako sakanya. Pag may problema kame pinaguusapan namin agad.

Đọc thêm

Hindi . Di ko Alam if maconsider akong single mom or not kase love Ng ex ko ung baby namin. Hmm, the day na nalaman Kong preggy ako that is the time na nalaman ko Rin na may iba na syang girlfriend which is katrabaho nyaaaa. Sooo everyday nya nakakasama noon kesa sakin. So pinapili sya Ng pamilya nya at pamilya ko Kung kami ba Ng baby ko or ung bagong gf nya pero mas pinili nya ung babae kesa sakin at Bata nalang daw papanagutan nya. By the way 5yrs kami Ng ex ko bago kami mag break. Hmm. After how many months na natauhan ako kakahabol, kaka makaawa, kaka iyak, at kakaluhod sa harap nya para Lang piliin ako. I stop and realized things. Hmm after months na hinayaan ko sya sa bago Ng gf and no communication at all. Bumabalik sya kase Wala na sila bago nyang gf dati. But that is the moment na natauhan nadin ako. Till now casual nalang. Bata nalang focus mo di na sya.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Masaya na hindi, ewan ko lang. Wala naman talaga kasi kaming oras para saming dalawa e. Kung hindi lang din siguro sa baby namin baka matagal ng wala. Nakatira ako sa bahay nila tapos habang tumatagal parang feeling ko nawawala yung "love, "care," "communication". Hindi talaga kami nagkakausap ng maayos kung meron man tungkol sa pera, sa utang ganun. Tapos puro siya ML. 😞 ML sa umaga, tanghali, gabi. Laging selpon ang hawak at talagang nakakagalit yun. 🥺 Pero wala ako magawa, nagbibigay ako ng mahabang pasensya hindi lang para sa sarili ko, kundi para samin at ke bibi. 😭 Siguro may pagkukulang din ako as a partner kaya nagiging ganito yung takbo ng relasyon namin. 😞 Hindi ko din alam parang feeling ko talaga nagbabahay bahayan lang kami at sa una lang masaya totoo yun. 🙄🥺

Đọc thêm
5y trước

Nakakadepress yan mommy.

My husband is a dream come true, and likewise to him. Kht binigla kmi ni baby, or di pa kmi ready maging parent pero nakikita ko sknya na super excited siya sa magiging anak namin and i know na magiging mabuting ama siya ng anak ko. Nung mag bf and gf plang kmi ang dami na namin na pinag daanan, sabay kmi nag mature, na test na din ang relasyon nmin due to nag abroad ako. Then nung umuwi ako eto na, nabiyayaan kmi ng baby boy and pinakasalan nya ako ng walang pag aalinlangan. ❤️. We are so in love and mas minamahal ko pa sya bawat araw lalo na pag knkiss nya baby bump ko everynight and everymoring. Tanging hiling ko lang ay wag sana mag bago ito, mas tumatag pa sana kmi at sana malampasan nmin lahat na problem na dadaan smin. Hehe. Sorry napahaba. 🤣

Đọc thêm

Ako nde na masaya..sa umpisa Lang masaya..ung feeling na akala mu perfect na lahat Nung ngkaanak na kmi ayun lumabas sungay..kpag ng-away kmi buong pamilya nea kaaway ko dn kc kinakampihan nila khit cea ang Mali..ung feeling na pinagta2nggol mulang sareli mu kw pa aawayin at pagtu2lungan..anak ko Lang dahilan bakit ngsu2miksik ako sknla at ngtitiis..gsto ko lumaki cea na ksama kmi NG papa nea khit ngdu2sa ako..ang sakit2x mga momsh dati lahat NG sahud at ATM nea hawak ko ngaun bumaliktad na pati piso kinukwenta nea skn..wla nman ako bisyo..ang hirap mgmahal NG nde mu ka religion..pero lagi ko nlang cnsbi sa sareli ko na Kaya kupa khit ngmumuka na akong tanga Basta para sa anak ko gagawin ko..Mahal na Mahal ko anak ko higet pa sa buhay ko

Đọc thêm
5y trước

Payo ko lang.. Wag mong pagdamutan ng kasiyahan sarili mo. Mag ipon ka ng para sayo para kung di kana talaga masaya makalaya ka.. Nakaka depress yung ganyan. Wag mong iasa sa iba ang kasiyahan mo. Maganda yung dahilan mo para sa anak mo pero mommy pano ka? Sana isipin ko din sarili mo

Happy na sad sad na happy ewan ko ba! 2 yrs na kasi kami ng hubbu ko and nabuntis nya ako when I was 21. Ayon, Simula nung buntis ako hanggang sa manganak ako away na kami ng away tungkol sa budget sa bahay, sa ugali namin at pati sa pag alaga ng baby. Tho hindi naman talaga dapat pag talunan kung sino dapat ang mag alaga pero nakakainis kasi hindi manlang nya mapatulog yung anak namin even me na hidi makatulog dahil ayaw ko naman hayaan si baby na naiyak dahil di makatulog sa papa nya. ganun. There is something inside me na happy kasi swerte ko kahit ganito ugali ko hindi ako iniiwan ng asawa ko. hindi sya gumigive up samin ng anak ko. Kahit pagod sya kakatrabaho kami parin inuuwian nya.

Đọc thêm

A great and happy marriage is not when the two person comes together. It is when the two imperfect individual learns to enjoy their differences. 💑👫 + Marriage is not a walk in the park, minsan nakakapagod, minsan parang ang lungkot, but those are all normal na mafeel. Remember, there’s no such thing as perfect marriage, because we’re all on the learning journey that is life. Madaming challenges, misunderstandings, struggles sa pagaasawa. It’s always on you/both of you on how you’ll handle those odds. Basta be firm, that no matter what happens, choose niyo lang kayong dalawa and choose LOVE.

Đọc thêm

I'm blessed and happy with my married life with 2 children..Getting married is a gamble for me since my husband and I had a world wind romance..We both don't know each other much since he was the one who fell in love with me: Love at first sight according to him...We never dated at once coz he had to leave for work abroad...LDR for 2 years....When he finished his contract we had our church wedding...I had this mindset of "bahala na"...This yr.,we're on our way to 13th yr of love and respect....I married this man with no regrets and I can say that I'm lucky enough to have him..

Đọc thêm