1 Các câu trả lời

hello po. usap po muna kayo ni hubby, ano mga problema niyo po kay hubby at kay MIL. wag po sana sigawan at magpa ulit ulit. hinay hinay lang po, kung kailangan po isulat para di maligaw ang sinasabi isulat nalang po tapos basahin nalang. makakatulong po sa inyong mag asawa ang maging open sa nararamdaman. pag nagkaintindihan na po kayo ni mister makiusap po kayo sa mister niyo na tulungan kayo kag explain sa MIL na pandemic ngayon may delta variant at nahahawa ang mga bata. hindi ko po alam ang buong kwento, kayo po nakakaalam kaya mag-usap po talaga kayo ni hubby. kalma po kayo mommy at wag magpadala sa galit, family po natin sila kasama po natin nang matagal. pwede din po kayo magtanong sa MIL niyo ano po narafamdaman niya sa inyong mag asawa para mas maliwanagan po kayo sa kilos niya. maging honest po kayo pero wag po bastos makipag usap. maiisip din po ng MIL niyo na kahit na hurt siya sa honesty, may point din po kayo. hindi po sila masasamang tao mommy sadyang may dinaramdam lang po sila at hindi mailabas nang maayos. iba po kasi talaga ang panahon ng mga nakatatanda pagdating sa emotions at paglalabas po ng saloobin.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan