LEAVE & CLEAVE
Masama na ba akong tao kung ayaw kong kasama ang MIL kong di ko kasundo sa bahay naming mag-asawa? Toxic at stress syang kasama, madami syang utang na samin pinapabayadan, pakielamera sa anak ko at npaka-controlling sa pag aalaga ko ng sa baby kasi mali mali daw ginagawa ko. Akala nya din teenager pa ang 36yrs old nyang anak na kelangan sumunod ng sumunod skanya. Haaays. Ibebenta daw nya ang bahay nya kasi walang gusto pumisan skanya. Nag-iisip ako baka samin makitira. 🙄 Naiisip ko pa lang nai-stress na ako. Oo, alam kong nanay pa din sya ng asawa ko pero alam mo un, hindi pa kami magkakasama sa bahay, nakakaubos sya ng lakas at pasensya sa mga hirit at reklamo nya, how much more if titira sya samin? 🙄 Haaays. 🙄