MASAMA BA? TANONG LANG PO
Masama ba mamili ng maaga ng damit ng baby?? namili kasi ako pero sabi dapat daw sa 7months na ako namili kasi daw masama .#firstbaby #1stimemom 23 weeks na po ako preggy road to 24 weeks next week
Ang masama po siguro eh bibili ka ng damit at gamit ni baby tapos wala ka naman pambili. 😅 Haha. Sabi sabi lang yan momsh, maganda po bumili ng maaga lalo nat alam mo na gender niya.
Pamahiin lang po pero mas okay if alam na talaga yung gender kase tulad ng nangyare saken 6months nagpa ultrasound ako baby girl daw sabi ng ob 8 months 2days bago ako manganak nagpa ultrasound ako ulit baby boy pala 😅
Nung time na nalaman kong preggy ako at nasabi ko na sa mga tita ko, napabili na sila agad ng gamit na pang unisex. Always pray for the safety of your babies. Wag tayo masyado mapamahiin hihu
hindi kasi as early as 20 weeks nag start na ako. mang masam ang hindi mo mapaghandaan. at mahihirapan ka pag isang bagsakan mo binili mas ok yung maaga at pautayutay
wala namang masama dun. yung nagsasabi lang sayo nun yung masama mag isip. bakit bawal? kasi baka di mabuhay yung baby? wag ganun mars. positive lang tayo. 😊
hmmm marami po nag sasabi nyan. pero para po saakin hindi naman masma parang mas ok na mamili ka ng 7 mos kasi para po sure sa gender ni baby kasi minsan po nag kakamali sa gender
Kasabihan nga po yan ng mga matatanda. which is in my case nung pagka 7months ni baby lockdown na as in lockdown. medyo nahirapan tuloy kameng bumili ng gamit
ako gusto ko na nga rin bumili ng gamit ni baby kaya lang di pa alam yung gender. sguro dipende nalang yan sa inyo po. wala naman masama basta may pambili hehe
Hindi po masama.. Pamahiin lang po yun,mas ok nga mag unti unti bumili damit at gamit ni baby eh! Mas mahirap na mamili pag ang laki laki na ng tyan
Di ko sure if masama pero hindi pa din ako pinayagan eh. 22 weeks na ako, sa 7th month na daw ako mamili kaya puro add to cart lang muna ako 😂