pag dumi
Masakit po ba dumumi kapag may tahi pa sa normal delivery? Para kasing medyo natatakot ako dahil sariwa pa yung tahi ko. Medyo nahihirapan pako maglakad.
Yes masakit po talaga. Just keep yourself hydrated para di ka mag constipate. Eat foods rich in fiber. Sa first born ko kasi sobrang constipated ako kaya natastas yung tahi. Kaya sa second baby ko, ginawa ko right after ako manganak uminom ako senokot forte para lang di ako mag constipate ulit. So far okay naman, hindi natastas tahi ko.
Đọc thêmNahirapan ako dumumi. Normal delivery ako. Gumamit ako ng suppository at buscopan para lang makadumi pero unfortunately sa kagustuhan kong dumumi medyo bumuka tahi ko. So sad talaga. More water at nalalambot na foods lang muna dapat.
Mdyo, pero tolerable nmn mami, mas masakit parin yung pglabas ni bb. Para madali gumaling ang sugat gamitin mo yung betadine na feminine wash. Effective yun. Saka eat ka maraming papaya para d po ang dumi mo. Yun kasi ang masakit.
gumamit ako sis suppository noon kasi hirap talaga dumumi kahit madami naman ako iniinom na tubig tagal pa maka poop 7days yata ako non
Masakit, kase parang nababanat sa may tahi. Ilang araw din bago ako dumumi. Inom lang ng madaming tubig at rich in fiber foods
CS ako pero d naman ako nahirapan mag poop basta kaen ka lng ng food rich in fiber at drink more water
Nahirapan din ako sis sobra. Msakit sya tska mamamaga.. Ntatakot tuloy ako kumain ng madami
opp.. lahat po ng normal na may tahi..kain k nalang mga pagkain padali matunaw
Yes masakit at mahirap mag poop lalo na normal delivery
Got a bun in the oven