Nightmare na ayaw maranasan ng isang Mommy.

Maraming natuwa nang malaman na buntis ako. Excited ang lahat lalong-lalo na ang magulang ng josawa ko at magulang ko na pinagyayabang pa na magkakaroon na sila ng apo. Syempre mas excited kami ni josawa na nagpa-plano na kami para sa paparating naming anghel. Pero nong araw na bigla na lang ako nag bleeding? Isa 'yon sa araw na kinatatakutan ko. Isa 'yon sa araw na ayaw kong mangyari. Nag ultrasound kami, pero hindi raw makita ang baby. Naririnig ko na rin ang sinasabi nila at hindi na ako natutuwa. Pumunta ulit kami sa dati kong pinag ultrasound to make sure daw, nong makita ko palang 'yong result, alam ko na. Alam na alam ko na. Nagpa-check up pa ako para ipabasa sa ob. Kase baka mali lang pag intindi ko. Pero alam niyo 'yon? Iyong tipong alam mo na ang sasabihin ng doctor. Sobrang sakit pala. In-explain niya sa akin kung bakit gano'n ang nangyari tapos pinapapili ako ng tatlong option—ang maghintay ng isa pang linggo pero base sa result wala na raw talaga at hindi na humihinto ang bleeding ko. Pangalawa, iraraspa ako. Pangatlo, 'yong gamot para ma-washout si baby. Wala akong naisagot sa Doctor. Wala akong napiling option. Binigyan niya na lang ako ng reseta. Ako na raw ang bahala mag desisyon kung iinumin ko ba ang gamot. Basta bumalik daw ako para masiguro ang kalagayan ko. Sobrang sakit pala. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Iba talaga ang power ng pagiging ina, ano? Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng doctor kase bumuhos na luha ko. Lumabas ako sa kwarto nang umiiyak. Wala na akong pakealam kung pagtitingnan pa ako ng ibang buntis. Siguro naman maintindihan nila ang pakiramdam pag nawalan ng anghel. Hanggang sa makalabas ako. Nong makita ko si josawa na nag aabang sa akin sabay tanong na, "Anong sabi ng Doctor?" Wala. Bumuhos na lahat ng luha ko. Para akong nanghina. Parang nawalan ako bigla ng energy. Na iniisip ko, baka nagkamali lang ang doctor. Mahirap. Sobrang hirap. Pero siguro tama nga ni josawa . Baka hindi pa talaga oras. Na, may dahilan si God kung bakit nangyari lahat ng 'to. Kaso ang sakit kase. Ang sakit-sakit. Pero anong magagawa ko? Namin? Gano'n talaga eh. Kailangan kong/naming mag look forward. Kailangan kong maging matatag. Sa mga nagtatanong. Hindi nadevelop ang baby. Same case sa nangyari kay Alex Gonzaga. Sabi ng doctor, hindi raw dahil sa stress o anuman. #pregnancy #1stimemom #firstbaby

22 Các câu trả lời

Same Case mi . July 2020 . Dmi kona sintomas ng Buntis ako . Kso pag trans v wala mkita ni ano , Sobrang nlungkot ako . pero sbe bka Dpa ndedevelop ksi msyado pa maaga ksi 10 days plang ako delay non eh . After 2-3 weeks balik daw ako pra ma trans v ulet . Pag balik ko wala pdin sobrang lungkot at nsaktan ako non . Ksi umasa na kmi mag asawa eh . nag take na nga dn ako ng reseta ni OB pampakapit saka vitamins ang mahal mahal pa non . Tas pag checkup wala di daw nbuo . Knabukasan dinugo nko ng ganyan ska msakit na talaga sa balakang at puson . pero January 2021 Nbuntis ako ulet . Pero apat na buwan kona nlaman . Puro pag subok dn . di ako tnantanan ng Bleeding . Kaya every other day checkup . hanggang sa nging weekly . 36 weeks na nga pinatgil pampakapit eh . sbe ko di bali na khit sobrang gastos . kahit maubos kmi bata mging okay baby ko . ksi 26 weeks open cervix ako eh . akala ko mwawala nnman skin . pero npka buti ng dios . dnya kmi pinabayaan ngayon apat na buwan na baby ko . kaya mi Ikaw mag paka tatag ka ibbgay din syo ng dios yan kung pra sayo na talaga . khit gano pa kdami pag subok dmating syo . Kung pra syo pra syo na . Mag pkatatag ka . malalampasan nyo din mag asawa yan . GodBless

pakatatag ka sis 🥺 alam ko mhrap pero kaya mo yan . Lagi kalang mag pray . ndidinig ka ni Lord . Ako twice talaga ko nakunan Dec 2015 . tas after nun June buntis nko . tpos July 2020 yan Blighted Ovum . tpos January 2021 ayun bntis naman ako sa pngalawa . totoo pag may nwala may dumarating . malay mo mi Ibigay syo agad ni Lord yan 🥰

Same Case po . Sobrang Excited silang Lahat Lalo na ang Asawako . Pang 2nd Baby na po sana kaso hindi pa para sa amin talaga yan rin ang sabi ng Asawa ko 🥺😭 Bali , Start po Nung Feb. 04 ,2022 .Hindi ko rin inaasahang Mag Positive ako sa PT dahil mag papa chack up lang talaga ako ER dahil masakit yung kanang Tiyan ko. Tapos Pinag PT ako Positive ang Lumabas dahil dalawang line tapos nireffer ako sa ER OB dahil nga Positive ako tapos Binigyan ako ng Doctor fir TVS tapos Nung unang pa Ultrasound ko may nakitang Fetus Pero Walang Heart Beat , Pangakawang Ultrasound ko Wala na siya dahil nag Bleeding ako. So bumalik ulit ako dahil nag Bleed na naman ako tapos Binigyan ulit ako for TVS kasi ayaw akong Raspahin ng Doctor ng hnd niya pa totally alam ang lagay ng tiyan ko dahil Lapse na siya ng w week kaya Pangatlong Ultrasound ko kahapon lang wala na talaga . As in wala nang kahit na anong nakita kahil Inunan wala na 🥺😭 Hindi na ako kailangan Raspahin dahil Malinis na ang Tiyan ko . I feel you po Momsh 😭 Sobrang Sakit po talaga 💔😭😭

Nangyare din sakin yang July2021 last year sis. Blighted Ovum, nag spot ako, hanggang sa nagtuloy tuloy na para akong nireregla, sobrang sakit sa puson at balakang. tinakbo ako agad sa Hospital dahil yun ang sabi ng Ob ko, pero thankful ako kasi kahit papano kusang lumabas na lahat at hindi na ako niraspa. ganyan na ganyan din ang pakiramdam ko at naiintindihan ko kalagayan mo, napagdaanan ko din yan sobrang hirap lalo na't talagang nakakaexcite. pero wag ka mawalan ng pag asa may dahilan si God for that kung bat nangyare satin ang ganyan. stay strong lang, magkakaroon ka din ng baby🤗👶tulad ko, mabait parin si God kasi kahit na nangyare sakin yun, binigay parin niya tong magiging baby ko im 9weeks and 5days preggy na ako ngayon. Pray lang sis😇makikinig si God sayo😇❤️

Yessy sis dont cha worry hehe mag tiwala ka lang kay God bibigay din niya sayo yan😇❤️basta always Pray lang.😇

Mahirap po talagang mawalan lalo na kung first baby, naranasan ko rin pong mawalan ng baby last feb 2021, uminom nako ng pampakapit at bed rest pero ayaw tumigil ng spotting ko hanggang sa naglabas nako ng buong dugo at naraspa. mag 2 months palang nun baby ko kaya sobrang sakit. Pero mabait si lord kase tinupad nya yung hiling ko na bigyan ulit ako ng baby. August 2021 nabuntis po ulit ako at 32 weeks pregnant nako ngayon wala naman pong naging problema na mula nung 1st trimester ko. kaya wag po kayong mawawalan ng pag asa ibibigay din ni lord yan sa tamang pahanon 🙏☺️. Pakatatag po kayo ☺️

pinagdaan ko yan last october 2021.. bigla na lang walang heartbeat si baby. sobrang sakit. ang dami kong tanong pero walang makuhang sagot. walang makakadescribe gaano un sakit na nararamdaman ng inang nawalan ng anak. walang salitang pwede makapag alis nung pain na un. Pero wag la mawalan ng pag asa at pananampalataya. January 2022 nalaman namin na buntis ako ulit. Andito pa din yun takot na baka maulit un sa una pero dasal lang kagustuhan nawa ng Panginoon ang maghari. Virtual hugs sayo 😘

sobrang sakit po talaga ang mawalan 😭 last year august at 24 weeks wala na pala heartbeat baby ko, sobrang sakit pag uwi ko sa bahay hagulgul ako sa mother ko , hindi talaga naniwala kaya nag pa 2nd at 3rd opinion kami pero wala na talaga, niresetahan lang ako pang paopen ng cervix tapos sept. ko na sya nailabas , sobrang sakit kasi ang laki nya na 😞 and im pregnat again 12 weeks hoping for a rainbow baby 👼

Good luck po, Mommy. 🥺❤ Sana rin po mabigyan din ako ng next angel.

naiyak aq habang bnbasa q itong post mo😭🥺 nakunan dn aq nunb unang pagbubuntis aq halos mag 3 months n sna c baby.wlang signs na nkaunan aq dhil ndi aq dnugo.nadepress aq nun bkit d q masyado naalagaan c baby q habang aq nagbubuntis dhil ndn cguro my nyt duty aq.pro s salamat s dyos dhil bngyan ulit aq ng chance at aq ngaun mag 34 weeks na.kya wag ka mawalan pag asa.darating dn baby u s takdang panahon.😇

i feel u. last yr nawalan dn ako. yung tipong marami nang nkaaalam na preggy ako dhl excited kmi at after 10yrs nabiyayaan uli kmi pero pagdating ng 10weeks biglang nawalan ng heartbeat sa loob ng tyan ko sa d alm na kadahilanan. sobrang sakit. pero after almost 1month lng nalaman ko preggy uli ako eto at mag 5months na sya ngayon 😊 pray lng sis. pagkakalooban ka dn ng para sa iyo ♥

Blighted Ovum, same tayo nangyari saken din last year lang. Nag bleed ako, then ultrasound sabi saken blighted ovum. Hindi ko na pinatagal nagparaspa na ko 2 days after ko mag isip kasi my bleeding na. Baka mabulok lang daw sa tummy ko yung placenta. I'm 7weeks pregnant ngayon with heartbeat na. Don't lose hope. Pray ka lang. Everything will be fine. Mahirap pero kailangan mo ilet go.

Yung bleeding ko non hindi madami, konti lang kaya nag decide na kami na sige go raspa na lang. Eto after a month Thank you Lord, 7 weeks na ko. Pero yung trauma andon pa din, hirap alisin yung fear. Kaya pray lang din.

sending hugs po Mommy🤗.. pinagdaanan ko po yan last 2020. Sobrang sakit, sobrang hirap but sabi mo nga Po kelangan nating magmove forward. Hindi ganun kadali ang process but trust and pray to God na matanggap at makayanan mo tong nangyari.. Pray lang po. Ibibigay din po ni God pag alam niyang ok ka na at right time na.. God Bless po. 😇

Câu hỏi phổ biến