36 Các câu trả lời
Hindi naman bawal na ipahiram ang mga newborn na gamit mo sa kapatid ng asawa mo. Naiintindihan ko na preni-prepare mo ang mga ito para sa sarili mong panganganak sa November. Maaring maging magandang kahandaan ang pagpapahiram ng mga newborn na gamit sa kanya upang matulungan siyang maging handa rin sa kanyang pagbubuntis. Maari rin kayo magtulungan at mag-support sa isa't isa sa pamamagitan ng pagpapahiram ng mga gamit. Hindi naman masamang gawin ito at siguradong maiintindihan ito ng kapatid ng asawa mo. Mabuti na rin na magkausap kayo ng seryoso at magkaalaman sa mga plano. Sana makatulong ito sa iyo sa pagdedesisyon. Magandang araw! https://invl.io/cll7hw5
kung magpapahiram ka po dahil sa guilt ay wag na po magpahiram, okay lang po na tumanggi tayo sa mga bagay bagay kahit gaano kalapit na kamag anak pa yan, Learn to say no, yung lack of planning nila ay hindi mo emergency. kung ako po yung nasa posisyon kung meron man extra kahit papaano ay ibibili ko ng ilang piraso hindi ko po ibibigay yung nabili ko na para sa anak ko, hindi po kadamutan ang tumanggi. May mga tao din na pag napagbigyan mo ng isang beses eh mamayat mayain ka na dahil mapagbigay ka lalo sa bata.
Hindi naman sa pagdadamot mi, pero kung ako hindi ko ipapahiram. Kung nakakaluwag naman pwede siguro bigyan ng isa o dalawang set pero hindi hiram kundi bigay na. Ayokong napaglumaan na ng iba yung gamit ng anak ko saka ko plng ipapagamit sakanya to think na sakanya naman talaga. Ang lagay parang anak ko pa nanghiram niyan . Isa pa sensitive ang mga newborn mi hindi pwedeng hiraman. Wag ka maguilty na humindi sa hipag mo isipin mo si baby mo. 🙂
For me if may extra ka bigyan mo kahit tig 2 set para may magamit din siya. Pero bilang magulang ready na sila sa mga gagamitin ng anak nila hindi porket meron kayo or kapatid siya ng asawa mo hihiramin na lang nila saka personal na gamit yan ng baby mo na pinag ipunan niyo tapos iba gagamit? Tapos kapag ikaw na manganganak wala ka na magamit ikaw din mahihirapan
Extra clothes lang po but hindi na pahiram un, expect na di na maisasauli. Wag na wag mo "pahiram" lahat ng newborn clothing na prinepare mo mi. Also, makakasanayan na nila yan aasa sa'yo pag may needs ang baby nila. Ending baka ung baby mo pa mawalan ng gamit. Personally, I'd say No kasi para sa baby ko un in the first place. Mauna pa gamitin ng iba ung nilaan ko sa baby ko? It doesn't make sense :)
ndi sa pagdadamot nman.. mas mgnda iba gmit Ng bby mu sa hipag muh.. mawiwili yn mnhingi o manhiram bnda huli bby mupa ndi mkinabang. palibhasa alm nya, marunong kng magsinop Ng gmit at sya aasa SEO.. bigyan mu n ln sobra SEO gmit den finish . wag n lan nya ibalik, ndi sa pag iinarte bka Kun Anu meron sa ank nya.., mas mgnda kse Bago at iwas sakit c bby mu sensitive ktwan Ng bby
Imbes na baby mo ang unang gagamit ibang baby ang gagamit kahit ikaw gumastos. Nasa saiyo yan mi kung ipaphiram mo ibigay nalang bumili ka ng bago kasi pag nanganak kana baka hindi na mabalik kasi kelangan din ng baby niya. Either ikaw ang bumili o siya ang bumili. Wala sa pamahiin yan mii. Personal na gamit ng baby mo yan. Syempre dapat malinis at bagong gamit.
if may extra ka wag mo na ipahiram, ibigay mo na lang pero kung sapat lang for your baby ung gamit na naiprepare mo mas maigi na wag na lang. 9 months is enough i think para makapagipon ka ng pambili ng gamit ng baby mo. marami mabibiling mura pero quality na rin. di naman kailangan ng marami kung di kaya ng budget. kung ano lang ang mga importante.
For me as a maarteng person very no no. Naganak sila dapat ready sila sa mga gamit ng baby nila hindi iaasa sa hiram. Tsaka bago mong binili, tapos gagamitin ng baby mo napaglumaan na ng iba? ikaw ba mismo papayag ka?? At once na pinahiram mo yan mawiwili at mawiwili na yan manghiram ng gamit ng baby mo lalo na sa mga strollers, walkers at crib.
magbigay ka nalang ng konti mi kung kaya mo. wag na pahiram kasi pede maging issue if ever. lalo post partum yan baka kahit gano kabait kayo parehas magiba tingin nyo sa isat isa. if ever ibalik pa sayo or hindi ok lang kasi bigay mo naman na yun sakanya. Di ka na aasa na ibabalik pa sayo kunyare gift mo nalang sakanya ganon.
Anonymous