Ang opposite po kasi talaga ng love ay apathy, hindi hatred. So for me po, pag wala na talagang pakialam sayo, sa ginagawa o sa nararamdaman nyo, posibleng wala nang love dun. Baka po troubled ang asawa nyo kaya ganun ang treatment sa inyo, bale sa inyo napapasa. Kung kaya pong pag-usapan, gawin po sana para nagkakaintindihan. Hindi ko po alam ang buong story nyo pero hindi po okay yung napagsasabihan kayo ng masasakit na salita, pwedeng verbal abuse po ang ginagawa sa inyo e. Pero kayo lang din po ang makakatantya nyan base sa ginagawa nya sa inyo sa araw-araw. Wag nyo lang po hayaan na mababa ang tingin nya sa inyo kasi hindi po tama yun.
Tinkerbell