Husband

Mamshies! Sino dito napapaglihian ang mga asawa nila? Share nmn kung anong nangyari sakanila hahaha. just for fun

60 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Lage ko inaaway hubby ko gang sa umuwi muna xa sa parents nya kasi di na nya ako maintindihan. Mga 1 week xa dun nag stay. Tas araw araw ko pa din xa inaaway tuwing tatawag xa sakin para mangumusta sa amin ng mga bata. Nung nalaman nya buntis pala ako dali dali xa umuwi sabi nya kung alam ko lang na buntis ka kahit bugbugin moko okay lang😂 tas sinusuyo nya ako na miss nya daw ako nung tinanong nya ako kung miss ko ba daw xa sagot ko sa kanya HINDI😂 ngaun lang ako naging harsh sa kanya e 4th child na namin to. Ewan ko ba bat ganito ka weird magbuntis. Kada buntis ko iba iba trip ko😂

Đọc thêm
Thành viên VIP

Me momshie! Sa 2 kids ko lagi kong napaglilihian si hubby. Inis na inis ako sakanya palagi kahit wala siyang ginagawang mali. Kahit nga tama, naiinis padin ako. Pero pag wala siya namimiss ko ng sobra. Parang nababaliw lang lol hahaha. Tapos papabili ako ng madaming pagkain, siya lang taga ubos ko. Siya lagi kong pinapakain hahaha. May kasabihan din na hakbangan ang asawa kapag tulog siya para sila yung maglihi, ginawa ko naman dati kasi wala namang mawawala hahaha. Siya yung palaging inaantok, nahihilo, nagsusuka, nagugutom palagi. Parang siya yung buntis hahaha.

Đọc thêm

Hindi ako naniniwala sa lihi lihi na yan. Pero nkakatuwa kc nung buntis ako, Lagi ko xa kasi inaaway,sobrang sensitive ko kc during pregnancy. Pg masama pakiramdam ko kunti, matamlay din xa, pag sumasakit balakang ko, sumasakit din likod niya, hirap ako mkalakad nun dahil sa cramps, sumasakit din paa niya. May scoliosis ako kya hirap ako humiga, tas xa din di mkatulog ng maayus. Ayuuuun.. Pgkapanganak ko... KAMUKHANG KAMUKHA NIYA. 😊😁😜😂😍

Đọc thêm

Inaaway ko sya palagi. 😁 But he totally understand. Kahit LDR kami ngayon dahil umuwi ako sa pinas at sya nagstay dun, inaaway ko pa rin sya hahaha! Nakakardam ako ng fulfillment everytime na inaaway ko sya pero hindi sya nagagalit or nasagot but instead, ibibili nya ako ng food or sasabihan ng maraming i love you. Ohh missing him so much 😭 Exactly 40weeks now ❤️

Đọc thêm

Hes working as a call center so naka night shift siya nun lagi ako nagpupuyat nunhanggang 2-3am para mahintay ang break niya at ichat ako. Then pag wala siya lagi ko siya namimiss hinahanap kahit saglit lang siya mawala, pero pag nakikita ko kahit wala siyang ginagawa lagi ko pinagtitripan, inaaway haha..then last lagi ko sinasampal

Đọc thêm

Ako. Madalas binubwisit ko sya pagnaglalaro sya ng games. Tapos lagi ko sya tinatawag para magpalambing magpakiss magpa hug. Tapos lagi kong gusto kagatin kurutin. Minsan bwisit na bwisit din ako sa muka nya sabihin ko ang panget nya. Minsan naman ang gwapo nya 😂 pero mas madalas malambing ako at mapang asar. Pikon pa naman 😂

Đọc thêm
Thành viên VIP

Yung maputi na hita ni husband ko yung napaglihihan ko dati. Kala ko magiging kasing puti ng hita nya baby ko kaya lang hindi. Gusto kong kinakagat hita nya. Hindi ko naging picky sa food at walang hilo and pag susuka. Siya ata yung nawalan ng gana kumain at mas antukin lalo na pag nasa work, ako chill lang 😂

Đọc thêm

Sya naglihi imbes na ako. Madaling araw niyaya nya ako pumunta ng mcdo gusto nya daw ng french fries 🍟 hindi pa namin alam na pregnant ako that time. Tapos lagi ko sya kinukorot lalo na mata nya. Ayaw ko sya nakikita ewan koba. Ngayon pala buntis na ako. Eheheh sa 1st trimester lang naman ako ganon sakanya.

Đọc thêm

4months ayaw ko tabi kami matulog kas naiisturbo pagtulog ko at ayaw ko ung baho nya.kahit nasa malayo pa sya mga 15meters ung lakad nya palang papunta bahay damang dama ko mga 1-3 mos un habang papalapit sya sa bahay nagsusuka ako ung presensya nya lang nagsusuka ako hehehehhehehe

Dati po nung naglilihi ako hindi namin naisip na si hubby pala pinaglilihian ko basta ang alam ko nun gusto ko sya palagi nakikita gusto ko sya palagi maghahanda ng pagkain ko🤣 gustong gusto ko syang iniinis at niyayakap.. Ayun pumayat sya at palagi rin mainit ulo hahaha