Hi mamshies! Okay lang ba itong routine na ginagawa ko kay baby. Naiirita kasi ako sa father in law ko. Bakit daw laging pinatutulog. Eh gusto ko patulugin para tumangkad dahil parehas kaming hindi mataas ng asawa ko.
7am: wake up
8am: breakfast
9am: bath
10am: sleep
12:30pm: lunch
2pm: sleep usually until 4pm
6pm: dinner
7pm: bath
Then after bath, dim light na. Hele ko na para magsleep.
EDIT: Hindi lang po nakaindicate ang playtime. Everytime naman na gising siya, naglalaro po kami. 1 year old palang po anak ko. Hindi naman po siya 3 year old na pwede nang magkaroon ng strict hour sa playtime. Hindi ko po napipigilan ang baby ko na hindi maglaro basta gising siya.