Try niyo po mag-start sa vowels,sounds po ang una niyong ituro sa kanya. Ulit-ulitin niya lang po muna yung vowels,gamit po kayo ng flashcards po na walang picture as in letter lang po talaga since 6 years old na siya kasi may tendency na huhulaan niya yung babasahin niya po magbabase po kasi siya sa picture.or pwede po alternate yung vowels din na may kasamang picture. Vowel sounds po muna saka na po yung consonants pag memorize na niya ang vowels sound. Doon po muna kayo magfocus mommy. Paunti-unti lang po para di siya agad mabigla. Pagtuturuan niyo po siya magread kahit mag allot lang po kayo ng 15mins sa reading,tapos po magbigay ka po sa kanya ng ibang activity like tracing naman ng vowel letters para di po siya magsawa.