24 Các câu trả lời
Hi momsh share ko lang, kaka-1 month palang ng baby ko. Last week nagstart na yung ganyang dilemma namin, yung tipong inaabot ng 3 hrs bago ko sya mapatulog kahit anong gawin ko, kapag ibaba ko umiiyak pa rin, tapos naisip ko baka kinakabag sya. Kagabi halos nawawalan na nga ako ng pasensya kasi yung tipong kakatulog mo palang, at pagod ka... ako lang kasi nag-aalaga kay baby kapag gabi, halos maiyak na ko at naiinis na pero ang ginawa ko, hingang malamin at tumalikod saglit kay baby at nagdasal. Nung okay na ako (less than 2 mins lang) chineck ko sya at yun tama nga, so agad agad pinapahiran ko nalang sya kaagad ng manzanilla sa tiyan at idinapa, kkargahin/hinihele, at kinakausap ko siya. Check mo rin siya mommy, baka nilalamig o may nararamdaman siya, totoong mabilis lang sila lumaki kaya if possible habaaaaaaaaaan pa natin ang pasensya natin, isipin natin na after 3 yrs hindi na natin sila makakalong gaya ngayon 😊 enjoyin natin hehe
ako po yung baby ko never talaga syang namuyat kahit nun nb pa sya ngayon 3mos na sya, gigising sya ng 12mn dede tapos padighay nakadapa sya sakin hanggang makatulog tapos tsaka ko nilalapag, tapos 4am same routine, tapos gising na nya ulit mga 6 or 7am, one time nga inabot pa sya ng 830 sobrang sarap tulog nya 😂 ang ginagawa po kasi namin kinakausap namin sya lagi pag hapon na hahaguran namin yung ulo nya ng manzanilla tapos sasabihin namin na wag maligalig anak mamaya ah patulugin mo si mama bait ka lang, ganyan po lagi simula nung nb sya ngayon kahit hndi mo na sya sabihan natutulog na sya ng mainam sa gabi, basta lagi pa din sa hapon pahid manzanilla sa talampakan, sikmura at bumbunan tapos konti sa noo, nakakarelax po kse yung amoy chamomile nya kaya behave lang si baby 😊 basta tyagain mo lang mommy para masanay sya, si baby ko eto tulog na tulog pa din mamaya to dadakdak nanaman ng dadakdak 😂
Ganyan din po baby ko nung newborn. Pero nung nag 2 months dun na siya nakatulog ng diretso pero hanggang ngayon gusto arin niya buhat lagi. Kaya mo yan momshie, hindi habambuhay ay baby sila kay tiis tiis talaga. Sabayan niyo po siya sa pagtulog lagi kahit sa araw para marestore po pagod mo .sana po may tumutulong sayo lahitsa gawaing bahay kase hindi ka tlga makagawa pag ganyan baby mo.
Tyagaan lang kasi ganyan din baby ko, wala din akong tulog kasi yung tipong tulog na tulog siya pag karga kahit anong ingay anong galaw pero pag ilalapag mo bigla gigising. Halos d ka na makaligo makasuklay, makaihi 😂. Now two mos na si bb medyo bumait na, natutulog na mag isa. Sinasanay ko na pag antok na siya tipong patulog na binababa ko na, iiyak ng kaunti tas matutulog na rin.
Ganyan talaga mommy sa umpisa, hinahanap hanap ka pa niya, naninibago pa siya sa paligid niya. Try mo sa dibdib mo siya patulugin, para di ka nakatayo na karga siya, ung nakaelevate ung upper body mo sa kama, mabilis sila makatulog pag ganun sa dibdib, ipaghele mo, then pag tulog na, dahan dahan mo na ilapag sa tabi mo.
Tyagaan lang mommy, itry mo white noise baka effective sa kanya. May mga iba ibang attitude kasi talaga mga babies, same tayo ng ugali ng babies but it doesnt mean mali pag aalaga natin. Try mo lang lahat ng suggestions malay mo may mag work for u, itry mo din iswaddle para d xa nagugulat at nagigising.
Talaga po ganyan lalo pag newborn kc naninibgo p po sila sa labas ng tyan po natin.2 kids ko po pareho ganyan.try nyo po ang swaddle kht paano mkakatulong po paunti unti magpapababa n po yan habang tumatagal.tiis lng po ng mrami ganyan po tlga ang role ng mga nanay..
I feel you momshiee.. sa eldest daughter ko before ganyan din dumating sa point na naiiyak nalang ako Kasi di nako makilos sa bahay at halos wla na din akong tulog ksi every time ibaba ko sya nagigising sya.. mkakaraos ka din momshiee talagang tyaga lang..
tyagaan lng po momsh..pag tulog n po si baby lagyan po ng unan ung sa bandang paanan nya yung nata touch lng ng binti nya para ma feel nya n may tao or i swaddle mo sya.ako noon nilalagyan ko p ng damit ko pra maamoy nya n anjan pa ko..hehe
Pag ibababa na po si baby sa kama wag po agad alisin ang arms. Tapos ihele sya kunwaru para akala nya buhat mo pa rin sya. Unti unting tanggaling ang arms under baby habang hinehele sya. Stop hele pag medyo matagal ng napatulog si baby
reysha de castro