High Blood Sugar!

Hi mamsh, just want to share my journey sa pagkakaroon ko ng mataas na blood sugar during my 1st trimester palang. If hindi talaga kayang ibaba dahil andun ka palang sa point na nagkecrave sa mga foods na nagpapataas neto, seek advice sa diabetician. Iniiyakan ko nung sabi ng OB ko na need ko mag insulin kapag hindi ko kayang ibaba thru diet. Aminin natin mahirap magdiet lalo na sa naglilihi o sa mga foods na pinaglilihian natin kaya still nakakaconsume tau ng mga foods na nagtitrigger sa blood sugar. Dumating ako sa point na as in halos ayaw ko ng kumain bumaba lang BS ko pero still, bigo ako. Hindi naging consistent. Now nagtuturok na ako ng insulin at ok na ang BS ko. Wag kayong matakot, wala namang advice ang OB na makakasama sa atin. Goodluck mga mamsh na super duper excited na sa baby nila gaya ko. 14 yrs in the making ang baby ko at hindi dapat magtake ng risk, always consult your OB para sa safe na labas na baby. Hi July babies, see you. God bless.

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời