Ever regret about marrying?
Hi mamsh! Just wanna ask about your feelings, experiences , expectations and real life on this. How do you really feel at the moment?
I am happy with my marriage. It was one of the best decisions I ever made. Para kasi sakin, bago kami magpakasal ng asawa ko, madami akong bagay na kinonsider. Apat na taon kaming magbfgf bago magpakasal. Isang taong naglive in. We took time to get to know each other completely. Kabisado namin kung ano ang nagpapasaya at nakakapagpabwisit sa isa't isa, simula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki. Naniniwala na ako na hindi sapat magpakasal lang dahil sa pagmamahal. You should marry because you want a lifetime partnership. You want to marry your bestfriend. You want to marry the person who can bring out the best in you, not the worst in you. Sa 5 years and counting na relasyon namin including the bfgf stage, our fights never lasted a day. We never depend on each other solely, rather, we support each other. Hindi ako dumedepende sa kanya financially that's why bihira kaming nag aaway. We have our own lives and we didn't change it dahil lang nakasal kami. We adapted to each other's lives. I think yan ang pinakaimportante sa marriage. Don't lose yourself just because you became a wife or a husband. You just need to learn how to be a better half without losing any part of yourself. :)
Đọc thêmA big YES! Para sakin talagang pinagsisihan ko na nakasal ako sa taong hindi ko mahal. Napressure kasi ako ng mga tao sa paligid ko. Alam ko sa sarili ko non na ayaw ko syang pakasalan dahil hindi ko sya mahal. Katangahan ko din kasi dahil nabaliw ako that time dahil nagbreak kami ng bf ko non. At sya ang laging nasa tabi ko non. Hanggang sa nabuntis na ako. Hindi rin nagtagal relasyon namin. Nakipaghiwalay na ako sa kanya.
Đọc thêm