Kausapin mo sya, momsh. Open communication is very vital sa isang relationship. Let us avoid jumping into conclusions. Ako nun nung first trimester, though alam ko na due to hormonal imbalance kaya ko masyadong emotionally sensitive, naiiyak ako madalas. Naiyak din ako nun nung feeling ko di nya ko pinapansin, feeling ko nabawasan kasweet-an nya sakin, mga ganon. Pero sinabi ko lahat yun sa kanya. Kaya nagbago naman sya kahit alam nyang dala lang ng pagbubuntis ko yun but just to help me and of course hindi ko isipin na ganon, nag-adjust sya. Ang pinanghahawakan namin is open communication kahit ano pa yan. Kahit kaartehan lang namin minsan ang mga bagay bagay 😅