Baka po pregnancy record book, yung iba po kasi baby book ang tinatawag nila doon. Yun po yung small booklet na nakarecord ang monthly/weekly check-up mo kay OB. Doon po sinusulat ni OB ang progress/development ng pregnancy mo like, kung anong BP, height, weight, fundal height fetal heart rate pati mga tests or labs na ginawa or gagawin sayo, nilalagay din don ni OB kung kelan ang next schedule check up mo. Usually bibigyan ka ng booklet ng OB on your first prenatal check-up and dapat lagi mo yun daladala hanggang manganak ka.
Ang TVS po ginagawa lang kapag maliit pa ang size ng fetus (first trimester) If 6mos kana, pelvic utz na po ang need mo.
Ed