Kakapanood ko lang ng new born webinar. Wala daw medical use ang bigkis. Baka mahirapan pa huminga si baby. Basain ang bulak ng 70% alcohol tapos ipatak sa pusod at punasan rin yung mismong cord twice a day hanggang sa matanggal na yung cord. Itupi ang taas ng diaper para di natatakpan yung pusod. Pwedeng sponge bath lang si baby habang di pa naalis yung cord.