Away?

Mali ba pag bawalan ko mister ko sa kakainom?parang sakal na sakal na sya kulang nalang magbuhay binata na sya, ang hirap kse sknya pag nakakainom sya nagaaway kami lalo pag napapasarap sya sa mga kainuman nya,syempre ikaw mapapaisip karin na baka mamaya magkamali sya iba na panahon ngayon maraming babaeng pumapatol khit may asawa na,hindi naman sa walang tiwala,selfish naba ko mga momshy dhil binabawalan ko sya khit nagpapaalam sya?

45 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ganyan din ginagawa ko sa asawa ko pinag bawalan ko siya mag inom with friends bawal na din siya gumala with friends, mahirap na talaga ngayon. pero pinaintindi ko Naman sa asawa ko Kung bakit ganun ako sa kanya and Yun naintindihan Naman niya pag niyayaya siya di talaga siya nasama sa friends niya sinasabihan na nga siya na under siya sa asawa Sabi Lang niya Alam niya responsibilidad Niya, kausapin mo Lang mister mo momshy maiintindihan ka Niya Kung Mahal ka niya,

Đọc thêm

ganyan din ako sa mister ko nung una lagi kami nag aaway tapos sinabi niya nasasakal na raw siya. kaya ngayon pinapayagan ko siya uminom basta yung dalawang bestfriend niya lang ang kasama kasi dun may tiwala ako na hindi nila magagawang ma b.i mister ko. pero sa ibang circle of friends niya di ko siya pinapayagan kasi alam kong gagawin nila lahat ma b.i lang asawa ko. okay lang naman payagan sila paminsan minsan basta kilalanin mo mga makakasama niya ;))

Đọc thêm

For me, youre just protecting whats yours. Okay naman paminsan minsan pero huwag madalas at huwag din ung pagkapinayagan mo na eh aabuso pa. Pagsabihan mo siya na mas mag-mature lalo ngayong buntis ka, magkakaanak na kayo at siya pa ang padre de pamilya. Okay naman magsaya o magchill kasi sa dami ba naman ng stress sa buhay pero sabihan mo siya about his limits. Bigyan mo ng timeframe like 10pm uuwi na ganoon.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Pwede naman po siguro uminom kapag day off or may okasyon wag lang madalas family time tulungang ka nya sa bahay at bata and dapat may disiplina at control pag nakakainom wag sobra kase iba utak nang tao pag nalalasing wala naman masama sa pagbawalan lalo na kung dis oras na nang gabi or malayo baka may mangyari sknila syempre di din tayo nakakatulog kakaiisip

Đọc thêm

Kung barkada mga kainuman dpt alam na ni mister ang limit ng pag inom and kung kamag anak naman ang kainuman hayaan mo lng kase mga kamag anak naman nya un. D ka naman selfish kase pamilyadong tao na ung asawa mo kaya dpt may limits na ung mga bisyo nya. Pag usapan nyo ng masinsinan ung ganyan ipaliwanag mo kung bakit mo sya pinagbabawalan na.

Đọc thêm

Ay gnyan din asawa ko pero kainuman nmn nya tropa at pinsan nya.kpg umiinom sya lagi kmi ngaaway my mgaya lng sa knya pingbibigyn nya agad.khit dito kmi nkatira sa magulang nya talagang inaaway ko sya.kaya mas mabuying nsa abroad sya walang inom inom na ginagawa basketball lng

Ako binabawalan ko lapag alam ko tirada ng asawa ko kapag sobrang lasing na eh bastos na sinasabi lalo na sa sex life namin. Pero pumapayag ako kapag dito sila sa bahay may space naman dito sa labas ng bahay namin basta ang pwede lang dito yung matagal ko na ring mga kaibigan

Tama yang ginagawa mo momsh .. mister mulang makapal muka .. imbes na samahan ka mas gusto pa mag inom .. Ahay buti nalang di ganyan tatay ng baby ko Umiinom nman pero pag may occasion lang , hindi rin naninigarilyo Panay laro ng cellphone nga lang 🤣🤣😂

Đọc thêm

Kausapin mo ng maayos sis. Kasi baka di pa nagsisink in sakanya na magkakababy na kayo or baka may nararamdaman siya na di niya masabi sayo like di pa siya ready or natatakot siya. Kasi kung talagang ready na siya, siya dapat mismo umiiwas sa bisyo.

Malihig rin uminom mister ko, parang libangan niya kasi yun. Pero hinahayaan ko siya as long wag siya uuwi ng late and lasing. Kasi one way rin niya yun pang tanggal stress, inuman with friends, kaya ayoko siyang pigilan, basta alam niya limit niya.