Frustrated

malapit na due date ko. Oct 2nd week. Pero wala pa kong nabili na newborn clothes. Im so stressed. Wala pang pera. Sino dito tulad ko na malapit na due pero wala pa gamit si baby?

71 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kaya mo yan sis. Ako habang nagla-labor, iniwan muna ko ng partner ko sa lying in parañaque para bumili ng gamit sa palengke sa alabang, 1am yun umuulan pa. July last year. Literal kahit anong gamit wala kaming dala maski xtra clothes. Basta binuhat nya na lang ako bigla at dinala sa lying in. Mga kulang 1k lang sya sa mga biniling gamit (bag, pillows ni baby at 3 set nwborn clothes, 2 rcving blankets, diapers namin, wipes, at food). Yes, yan lang po gamit namin nung nanganak ako. God is good, walang complications ako at baby ko. Wag ka po mastress, pinakaimportante pa rin po ang kalusugan nyo ni baby.

Đọc thêm

Sakin Preloved lahat at hand down. The rest ako mismo gumagawa. Tinatahi ko. 5mos palang kasi ngunti unti na ako. From sako ng arina pang lampin etc. DIY mom here. Next ko na tatahiin unan na ni baby at breastfeeding pillow. Tyaga lang talaga para makatipid lalo na at nasa bahay ako most of the time due to high risk pregnancy

Đọc thêm

ako, noon Ü newborn clothes? nako wag kang mastress diyan, kahit saan may mabibilhan. sa palengke nakabili ako yung anim-an, mas mura sa kesa sa mall. kumpletuhin mo lang ang set, di pa naman kailangan ng magarang suot si baby. sa shopee o lazada makakabili ka din ng set na. make sure okay na ang documents niyo, like philhealth.

Đọc thêm

Same here 32 weeks na ko preggy meron namang tinago si mama na damit pang new born pero kunti lang yon wala pa yung ibang kailangan niya. Pero yung about sa panganganak ko wala ng problema yun kasi nag apply ako ng indigent sa philhealth. Yung mga basic needs na lang talaga ni baby yung pinoproblema ko.

Đọc thêm

Tiwala lang mamsh, sa damit wag ka na bumili try mo nlng manghiram ng pinagliitan ng mga baby ng kakilala mo. Unahin mo nlng ung mga pang Hygienes ni baby like diaper, baby wash and shampoo, baby oil at kung anu ano pang kailangan. Better breastfeed ka mamsh pag labas nya para sa diaper lang magastos.

Đọc thêm
5y trước

Ako nga wala pa binibili e hahaha kasi may nagsabi na sakin na magbigay ng damit kaya priority ko mabili ung mga pang Hygienes nlng ng baby ko. Tsaka tama naman e mabilis lang lumaki ung baby kaya auko rin bumili ng damit siguro bibili man ako ng damit ung pang alis nya like pagmagpa vaccine.

Hello mga mommies ako po yung ngpost, may nabili napo ako kunti yung set sa shoppee na tig 700 lng, tapos marami din binigay mga relatives namin na pinagliitan nang babies nila. Totoo God will Provide talaga. 😊😊😊

ganyan din po ako mamsh , netong oct. lang ako nakabili ng mga gamit ni baby kc nawalan ng trabho ung lip ko . oct25 due date ko kht paunti onti binibilan ko nlang paisa isa kda araw kase ngaun lang nagkatrabho lip ko.. sa shoppee po mdami mura dun ..

Hi. First time.mommy here. Sabi ng mga officemates ko late na daw ako bumili ng gamit. If malapit na due date kahit 1 or 2 pairs/set lang muna. I read a blog about it naman, sabi may clothes daw kasing di nagkakasya sa baby na malaki lumabas.

Ako sis, ung ibang damit ng baby ko halos sa ukay2 ko lang binili. Wala nman masamang nangyare. Nilabhan ko lng ng mabuti bago ipasuot. Ano ba baby mo? At taga saan ka? Kung gusto mo bigay ko nlang newborn clothes ng baby ko.

ako nga po sis iilan lang binili kong bagong damit.. kase madali naman paglakihan yan, may luma na se gamit na binigay nlng saken.. para makatipid.. mag unti unti nlng sis kaya yan wag ka pakastress.marami pong paraan c lord para matulungan ka