Mahal parin talaga ako ng Diyos. Kahit na madami akong nagawang mali bilang tao, gumawa parin Siya ng paraan para malaman ko kung ano ang totoo.
#1stimemom
Pinatawad ko ang asawa ko alang-alang sa magiging anak namin. Produkto ako ng broken family at alam ko kung gaano kahirap ang lumaki ng walang ama.
Alam kong may mga lalaki din na members dito, at para na din sa lahat. Kung magbabalak kayong lokohin ang mga partner nyo isipin nyo muna kung anong mararadaman nya. At kung anong mararamdaman nyo kung sakaling sa inyo gawin ang panloloko. Tiwala ang pinakamahirap i-earn sa lahat, ingatan at pagyabungin ang kailangan. Dahil sobrang hirap buuin ng tiwala once may lamat na.
Still painful, pero alam kong malalagpasan ko to at magiging okay din ang lahat.
Keep safe and God bless us all.
Edcel Mikhaela Firmanes