Sa pagkakatanda ko, hindi po maganda na Grade 3 na ang maturity lalo kapag wala ka pa sa kabuwanan. Nagpacheck-up ka na po sa OB? Siya po better makaka explain. Sa case ko kasi, Grade 2 placenta ko nung 35 weeks pero sinabihan na ako na imomonitor twice a week kasi baka maubusan daw oxygen si baby (if I remember correctly) kapag pataas nang paatas ung grade sa placenta. Parang tumitigas na daw kasi placenta or nagcacalcify? Better pacheck up po ASAP para ma-advise-an ka po sa tamang gagawin. Baka ipa monitor or ultrasound ka po niyan at least 1x a week to monitor closely ang baby.
nasa likod ang placenta.pero matured na agad. meaning malapit nang manganak pag nasa grade 3 na. yan na ang last grading ng placenta kasi. pero di ka pa pwedeng manganak kasi 32weeks ka pa lang. sakin nun 32weeks grade 2 then 37weeks grade 3 ako, nanganak ako 39weeks 5days. inform your ob po para mamonitor baka kasi magprete labor ka bigla. (hoping not, sana kahit umabot lang ng 37weeks para safe na kahit pano si baby)