#respect.

maglalabas ng po ng saloobin😔 buntis po ako ngayon sa pangalawa ko 5 weeks palang po. sobrang problemado po ako kasi di namin 'to expected. nag iinjectable po ako at itinigil ko kasi parang hindi po ako hiyang, lagi po kasing masakit yung ulo ko, nanlalamya, at masakit ang likod. pero isang buwan palang po mahigit ng pagtigil ko sa injectable nabuntis na po ako. sobrang nag aalala po ako ngayon kasi 1 yr old palang po yung panganay ko. iniisip ko po kasi yung mga kabi kabilang huhusga sakin. ako pa naman po yung tipo ng taong madamdamin. isa pa po ay yung mga magulang ko at magulang ng partner ko malamang po ay magalit sila. 20 years old lang po ako at nakabukod naman kami ng partner ko. ngayon po samu't sari na po ang pumapasok sa isip ko at sumagi na rin na ipalaglag ko nalang. alam ko po marami sa inyo na magagalit sakin dahil sa pagkakamaling hindi kami nag ingat ng partner ko. tatanggapin ko po kung ano mang sabihin nyo sakin pero sana lang po mabigyan nyo rin ako ng advice.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

wag nyo po pansinin yung mga naka paligid sayo ang alalahanin nyo po yung anak nyo na nasinapupunan nyo☺️