takot

Maglalabas lang po ako ng pagdaramdam. 22 years old na ako at 21 weeks preggy. May trabaho naman at sa kalagayan ko ngayun di pa masyadong halata na buntis ako. Iyong boyfriend ko 27 years old, 4na taon na kaming LDR pero kahit papano nagkikita naman. Alam ng buong pamilya ng bf ko na buntis ako. Katunayan, gusto nilang makasal muna kami bago ako manganak. Ang problema ko lang ay yong side ko. Hindi nila alam na buntis ako. Kahit na dito pa rin ako umuuwi sa amin. Natatakot akong baka hindi nila matanggap, kasi in the first place, hindi ko rin malaman kung tanggap ba nila ang bf ko. Tyaka madami silang pangarap para sa akin. Kumbaga, mataas ang expectations nila sa akin. Natatakot akong itakwil nila ako pag nalaman nilang magkakaanak na ako. Noong una talaga, iniisip ko kung itutuloy ko ba ang pagbubuntis ko o ilalalag ko na lang siya. Sabi naman ng bf ko nasa akin na raw kung anong gagawin ko sa anak namin. So pinili kong buhayin si baby sa kabila ng pangamba ko. Hindi naman ako binigo ng bf ko, dahil suportado niya ako sa lahat lalo na pagdating sa mga check ups at iniinom kong gamot. Binabalak kong umalis na lang dto sa amin habang maaga pa at itago na lang sa kanila itong pagbubuntis ko. Pero hindi naman ako makikitira sa bahay ng bf ko. Gusto ko lang bumukod at mapag-isa. Nais ko lang ding makahingi ng payo mula sa inyu. Hindi ko rin malaman kung tama ba ang mga iniisip ko eh. Salamat.

33 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sa isip mo lang ang takot momshie, 20 ako nung nbuntis panganay ako, 1yr plng nkklipas mula nung nka graduate ako mdami dn sila expectation sakin pero, tangap nmn nila. tsaka walng mgulang ang kayang itakwil ang anak 💓 God bless you

Mamsh parehas tayo ng sitwasyon 😊 pero ako tinake ko yung risk na sabihin, atleast naalagaan ako ng parents ko tapos nagpakasal kami ng hubby ko. Mas okay na maging honest kesa umalis basta basta same din po tayo ng age

Thành viên VIP

Magusap kayong magbf klngan nyo ipaalam yan s magulang nyo. Wag nyo ikahiya un anak nyo. Ginawa nyo yan. Sa una magagalit at magagalit tlga ang parents nyo, pero suportahan pdn kau nyan yun nga lang dapat my plano na kayo

Thành viên VIP

Better talk to your family before you leave. Tell them the truth. They will surely accept it eventually. Might be hard to do for now but it will be beneficial for you and your baby in the future.

ako lang ba yung hindi nakagets sa word na "gusto nilang ikasal kayu bago ka manganak?" right? so tatanggapin nila yan gusto ka na pala nila ikasal eh hehehe naguguluhan ako sa story mommy

5y trước

Sa side ng bf nya pero ung family nya di pa po alam ☺

Thành viên VIP

sabihin mo na at tanggapin kung anuman sabihin nila importante nagpakumbaba ka at humingi ng tawad basta sa oras na aamin ka isama mo bf mo dalawa kayo humarap sa parents mo

Influencer của TAP

Sabihin mo po sa family mo ganyan din ako alam na ng buong family ng bf ko bago pa nalaman ng family ko nung una nagalit sila pero tinanggap naman din po nila

Thành viên VIP

ok lang po yan ate..ako nga 20 years old nabuntis d rin nmn kmi ngpakasal nun papa niya so now prang kapatid ko nlng baby ko hehehe malapit na magdalaga...

Thành viên VIP

Matatangap din yan ng parents mo lalo nat magkaka apo na sila... Saka d naman cla ung mkikisama sa bf mo so no need na dapat gusto nila mapapangasawa mo

Mas mabuti pa sabihin muna sa mga magulang mo totoo para hindi kana rin na sstress. Matatanggap nila yan dahil apo na rin nila yan.