33 Các câu trả lời

Expect the worst but be honest pa din. At the end of the day, pamilya mo sila. Sabi mo naman may work ka na which is good kasi hindi ka aasa sa kanila. Yung dreams, pwede mo pa dn naman abutin or yung expectations pwede pa imeet-may sarili nga lang tayong timeline. Hindi yun imposible. Kausapin mo kung sino pinakaclose mo sa family. Depende sa general attitude ng pamilya, pwede niyonh unti-untiin na magbigay ng hints or one person at a time. Ihuli nyo yung pinaka "difficult" sa family. Wag mo istress ang sarili mo sa mga bagay na di pa nangyayari (like pagtakwil sayo). Nonetheless, you are lucky na supportive si partner mo. Good luck!

Wag mo kasi pangunahan na itatakwil ka nila. Magulang sila gusto nila ang ikakabuti mo. Sabihin mo na sknila kasi malalaman din naman nila. Mas masama kung itatago mo at lalayasan mo n lang sila. Isipin mo din anong mararamdaman nila. Anak ka nila hindi nila gugustuhin na mapahamak ka. Matatanggap nila ang sitwasyon mo. At blessing din ang apo. Sa una pwede sila magalit pero matatanggap din nila. Dapat sabihin mo kasi sila din ang unang tutulong sau sa pagkakamali mo. Pamilya mo sila kaya tatanggapin ka nila. Wag ka sana mabahala at wag mo sana pangunahan ang pwedeng mangyare. God Bless! Lalo may covid-19 ngayon.

Hello Mumsh. I think I'm seeing my younger self in you. :) Wag kang matakot kon anong sabihin ng iba lalo't lalo na sa pamilya mo. I know this may sound so cliche but totoo na masakit man tanggapin sa simula pero matatanggap din nila yan.. Wag kang matakot at lakasan mong loob mo sabhin sa kanila sapagkat buhay yang dinadala mo... Advice ko lang to sayo pero in the end ang decision mo parin ang masusunod. Better to try weighing things. Saan ang mas mabigat at super na nakokonsensya ka ay HUWAG mong gawin. Also, pray ka kay Lord na maging matapang ka na harapin ito. God bless you sis ! 😊

Kung gngwa nmn po lahat NG bf mo ung pgaalaga both of u and ur baby sbhn mo PO sa magulang mo, may expectations sila sau pro anak kpa Rin nila at karapatan mo Rin na isilang NG maaus Ang baby mo.... Oo mrmi kng mririnig or ssbhin nila sau pro at the end of the day mas mgnda prn na sbihin mo sa kanila KC blessing po Yan at saka wla pong magulang Ang matitiis Ang anak llo nat magiging magulang ka na Rin, as long as Kaia mo nmn iprovide at panindigan Ang ngyari sau tell them all what's inside of you.... Magiging ok din po lahat just trust him always... Our Dear God😊😊😊😘😘😘

Ganyan din ako nung 3months preggy ako. Lumabas ako samin kasi natatakot akong ipaalam sa kanila ng personal kaya ang ginawa ko, nung pag alis ko nag iwan ako ng message para sa kanila nung pag gising nila tawag sila ng tawag sakin pinapabalik ako sa bahay at aayusin daw namin ang problema. Nung nalaman ng papa ko pinili din niyang magpakasal daw muna habang di pa nalabas si baby para may basbas bago lumabas. Payo ko lang po sayo sabihin mo na hanggat maaga pa maiintindihan ka naman ng magulang mo kasi anak ka nila. Wala na rin naman sila magagawa kasi nanjan na yan :)

Pakatatag ka momsh. Hanggat maaga pa magsabi kna agad sa family. Mas hindi makakatulong sa sitwasyon mo ung iniisip mo na itago pagbubuntis mo at bigla kna lang aalis. Ako po nabuntis ako sa panganay namin ng mas maaga kesa sayo. 18 lang ako pero pinili ko sabihin sa pamilya ko ung about sa baby ko. If magalit man sila, tanggapin mo na lang po momsh, normal reaction naman po yan ng mga magulang. Lilipas din naman galit or tampo nila and for sure matatanggap din nila baby mo. Laban lang momsh para sa inyo ni baby ❤️

Sabihin mo sa family mo yung situation mo, para atleast maaalagaan ka nila 😊 for sure naman matatanggap nila yung nangyari sayo, blessing yan si baby. Sa una magagalit, pero kalaunan matatanggap din nila. Ganyan yung nangyari sakin, the fact na 24 going to 25 yrs old na ko, nadisappoint sila pero kinabukasan okay na 😊 ngayon 35 weeks and 5 days na ko..

Mali yung ganyan, parang binastos mo na din family mo sa ginagawa mo, tinatago mo pagbubuntis mo sa kanila kasi mas iniisip mo yung "expectations" nila. Tell them muna bago ka umalis sa inyo, kung di nila tanggap edi umalis ka, kung tanggap nila edi magstay ka jan.

Kung ako sayo sabihin mo na. Walang ka namang ibang matatakbuhan sa huli kundi family mo. Swerte ka nga at may partner ka na supportive. Magalit man parents mo normal na yun. Di ka na rin nman bata at stable ang work mo. Kaya mo na yan, maiintindihan ka din nila.

Same tayo ng situation. Pero sinbe ko agad pamilya mo naman yan kahit anong manyare sila padin dadamay sau at mag mamalasakit sayo. Sa una lang ang dissapointment pero maaccept din naman nila yan. Sabhin mona girl pangit ang magtago. Face your fear

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan