Mother and Father in-law

Maglalabas lang ng sama ng loob. Sobra na sila. Tinatanggalan ako karapatan sa anak ko. 6mos old na baby ko. Nung bago ako panganak talagang pinaramdam nila sakin na wala ako kwentang nanay. Normal lang naman na kabagin ang baby diba? One time kinabag anak ko sinisi sila yung breastmilk na pinainom ko sakanya. Tapos nung karga ni MIL si baby sabiko ako muna kakarga sabi ba naman sakin "kaya mo kaya patahanin anak mo? " tapos nung minsan karga ko naman sya sabi ni FIL "ibaba mo sya, ako kakarga", tsaka lahat ng sinasabi ko di nila pinaniniwalaan pero kapag kapitbahay nagsabi o kamag anak nila pinaniniwalaan nila agad, tapos kahit nandito ako at karga nila anak ko di nila ibibigay saken kapag may gagawin sila ipapasa dun sa isa nila anak at sasabihin "kargahin mo muna kapatid mo", wow, inangkin nila ang anak ko. Tapos nung magwork nako, pagdating ko sa bahay sabi ni mIL sa isa nya anak wag daw ipapahawak si baby sakin kasi galing ako labas, sa part na un ok saken kasi nga galing ako labas, pero sa asawa nya na nagwowork sa hospital kapag dumadating sinasalubong nya at pinapahawak sakanya. Unfair diba? Tapos lagi nila sinasabi sakin na sakanila nalang si baby twing gabi kasi pagod daw ako sa trabaho, ginagawa pa nila excuse yung trabaho ko para makuha nila si baby pag gabi, ngayon nga nag OT kami mejo late umuwi, ayuuuun, yung anak ko nakagitna sakanila at hinakut yung diaper at gatas, wala talaga balak na ibalik o ibigay anak ko, di ko na nga kasama sa umaga pati sa gabi gusto pa nila kunin. Wala kasi asawa ko panggabi sya sa work ngaun kaya nagagawa nila gusto nila. Nakakainis lang talaga. Naiintindihan ko naman na sabik sila sa apo (unang apo kasi) pero sana intindihin din nila ako kasi ako yung nanay ng bata hindi sila. Para kasing pinanganak ko lang yung anak ko para sakanila, ultimo damit na pinapasuot ko panget para sakanila, nung yung MIL ko namili ng dami nya sabi nya maganda daw bagay sa anak ko kasi sya pumili. Haaay nako buti nalang di ako pinanganak na bastos, pero malapit na maputol pisi ko sakanila, sumosobra na kasi sila eh. Ako lang ba nakakaranas ng ganito sa mga monster inlaw?

1 Các câu trả lời

VIP Member

Pinaka-ok talaga bumukod kayo. Or kung di niyo pa kaya, kausapin mo husband mo, sabihin mo sa kanya ang mga yan para siya mag-correct sa attitude ng in-laws mo.

sinabi ko na sakanya kaso wala, magulang nya e. di marunong magsalita

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan