Prob Sa Asawa At Byenan

Maglalabas lang ng sama ng loob mga mommies. Ako lang kasi nagwowork samen c hubby wala syang work. Pra may katuwang ako sa gastusin dahil buntis ako naglakas loob akong humingi ng pera sa papa ko pampuhunan nya sa bigas. Kaso nalaman laman ko na nung nalaman ng byenan ko na may pera asawa ko nanghiram kagad sya ng pera. Naiinis lang ako kasi hnd man lang naisip ng asawa ko na meron dn kaming pangangailangan lalo hindi naman sapat yung sahod ko. At lalo pa akong naiinis kasi may trabaho naman byenan ko bakit kelangan pa nyang mangutang e yung sahod nila sakanilang mag asawa lang naman napupunta dahil wala naman silang pinag aaral at pinagkakagastusan pero kapag ibang tao nanghiram sakanila nakakapagprovide naman. Masama ba na pagsabihan kong magdamot naman minsan asawa ko sa pamilya nya? Kasi nakakasawa na inuuna pa nya pamilya nya kesa samen na pamilya nya. Palaging umaasa saken asawa ko sa gastusin, sa monthly check up, vitamins ako lahat gumagastos. Maski nga cravings at fruits na kinakain ko everyday ako na bumibili. Ni hindi ko sya inoobliga sa ganung bagay. Kaso pano kami makakaipon kung ganun ang ginagawa nya. Na kada nalalaman ng magulang nya na may pera sya hinihiraman sya tas hindi naman binabalik. Eh alam naman nilang walang trabaho anak nila. Tsaka kaya nga ako na gumawa ng paraan para may pagkakitaan sya para sana yung sinasahod ko ipon ko nalang sa panganganak at iba pang gastos paglabas ng baby kaso ganun naman nangyari. Anong gagawin ko? Naiiyak nalang ako kapag naiisip ko to.

44 Các câu trả lời

SA to too lng SA una lng masarap Ang mga bagay bagay..., Lalo na puso Ang pinapagana.., "aanhin mo Ang pagmanahal na wagas, Kung Wala nmn pambile NG bigas" SA ngaun unahin mo Baby mo,, Kung kinkailngan umuwe ka SA tatay mo, umuwe ka, wag hintayin na Jan kapa abutin NG kapangankan mo, mas sasakit Ang ulo mo..,

sabihin mo rin momshie Kay hubby mo na magwork sya kasi, pag dalawa kayo mas mabilis kayo makakaipon, nung nalaman ko buntis ako may work naman ako ,tapos walang work si hubby ko, pinush ko sya mag work pina realize ko sa kanya na kailangan nya magwork dahil hindi biro ang gastos sa pagbubuntis lalo panganganak,.

Priority dapat si baby at ang makaipon. Madali ng tumulong pag nakalabas na ang bata. Sa panganganak kc hndi mo maestimate magkano magagastos. Even dto sa bahay namin sabi ko tipid muna kami ng bigay kc need namin makaipon dahil if in case macs ako may mahugot kami sabi ko paglabas ni baby na lang kami babawi.

Kung cno p lalake sya pa yung umaarteng babae tsk tsk.. Pagsabhan mo po momsh asawa mo dpat kau ng anak mo n ang priority nya dahil kau n ang binuo nyang pamilya. Ayon nga kay idol raffy unahin ang pamilya lalo n sa pinansyal n aspeto kung may sobra saka ka magbigay sa relatives mo.😊

ay nako sis, mahirap yan dapat kausapin mo si hubby, yan rin ang problem ko sa hubby ko minsan pinapakita ko na lang yung inis ko sakanya, dpat sis hindi mo na lang siya binigyan ng pera kasi mag hihiram lang naman sila tapos hindi na nila babayaran, isipin mo na lang si baby po. at makaipon ka po

Kaya po malakas loob na humingi ng pera kasi sa kanila po pala kayo nakatira. Maiiwasan nyo siguro ung ganyang sitwasyon if bubukod kayo.

"You deserve what you tolerate." Kung paulit-ulit na momsh, break the cycle. Wala na nga syang natutulong sayo ganyan pa. Wag ganon. Buti sana kung di sya pamilyado. Kausapin mo ng masinsinan. Wag kang papayag na ganyan. Priority na nya kayo hindi na ang mga magulang nya.

sorry sis ah, hindi ko gusto ugali asawa mo, base lang sa kwento mo ha.. sarap batukan eh, pamilyadong tao pero ganyan ang life style, mali sis,mali...batukan mo baka matauhan na kelangan nyo mag ipon at kelangan nya isipin yung binuo nyang pamilya

VIP Member

Pano nalang pag nanganak kana? Walang trabaho ang asawa mo, wala ka din maaasahan sa pamilya niya. Much better na umuwi ka muna sainyo, sa family mo. Kung mahal ka talaga ng asawa mo, di ka hahayaan na mahirapan lalo na't buntis ka.

Hindi ka inalagaan at pinagaral ng parents mo para palamunin un nakabuntis sayong lalake at pamilya nya jusme kawawang mga magulang mo. Nabuntis ka na nga ikaw pa nagttrabaho at nagpapalamon sakanila.. umuwi ka nalang sa inyo

VIP Member

kausapin nyo asawa nyo. sya may problema dahil pwd namn sya tumanggi sa abusive parents nya. alm ng parents nya wala trabaho at buntis kau pero cge utang sila. asawa nyo naman cge bigay. bkt ndi kasi nghanap ng work

Ayun nga prob ko sa asawa ko sis eh kapag pamilya nya hindi sya makatanggi. Eto namang magulang nya kapag tinanggihan nagtatampo. Kaya minsan napagsasalitaan ko ng masama na hindi nya bagay magpamilya dahil mas uunahin pa nya pamilya nya kesa sa pamilyang binuo nya. Naiiyak nalang ako sis kasi kahit pagsabihan ko asawa ko ganun pa dn ginagawa nya. Kaya kapag naiisip ko yung ganto tinatago ko nalang sakanya. Sa ibang tao nako naglalabas ng sama ng loob.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan