54 Các câu trả lời

Badtrip ka sa tatay mo. ? Edi magsarili kayo ng bahay . Ndi naman dapat tatay mo mag aadjust para sa inyo . Just saying . If gusto mo walang naririnig at nagsasabe ng ganyan sa inyo . Edi lumipat kayo ng ibang bahay total magpapamilya kana ng sarili mo obligahin mo ung asawa mo na bigyan kayo ng sariling tahanan . Tsaka wag mo ginaganyan father mo dahil baka bumalik sa inyo yan .. magiging magulang kana . Baka doble pa maramdaman mong sakit pag anak mo mismo gumanyan sa inyo

Wow. Iba na talaga mundo ngayon no. Pag maaga nabuntis gusto matanggap agad? Gusto magulang mag adjust. Pinag aral ka girl pero inuna mo maglandi e kaya face the consequence. Yung iba nga nasa right age na, may stable job na, maganda na career, may bahay na at kaya na mabuhay at bumuhay pero nadidisappoint pa rin magulang. At nagagawa pang itakwil. E ikaw mukhang palamunin pa ng magulang pero kung makaasta ka at makapagmalaki ka. Tsk. Bad

NormaL reaction un sis... ALam mo as parents na disappoint yun. Kaya naginG ganon ung attitude nya sau. Kumbaga ndi nya pa taLaga matanggap ung nangyari na napaaga ka mabuntis. Aq meron aqnG 16years old na lalaki. Pag nalalaman q na may gf xa at nililigawan. Naiinis na aq kc gusto ko makapag tapos. Muna xa saka naun. Dami q din sinasabi. Wait mo Lang humupa at matanggap totally ni daddy mo ung nangyari. Pag makita na nya apo nya matutuwa nayan 😊 patience sis. Nasaktan Lang un

aw. grabe naman para mainis sa papa mo, syempre nahurt yun dahil maaga kang nabuntis. kahit sino namang magulang. Dapat nga mas magpakumbaba kpa kasi ikaw may kasalanan. Iprove mo sa papa mo na kahit maaga kang nagbuntis, makakatulong kpa rin sakanila hindi yung magmamataas ka pa sa papa mo. Hindi naman kasi lahat kayang iaccept agad yung ganyang sitwasyon kaya dapat kuhain mo ulit yung trust ng papa mo sayo. and be thankful kasi may papa kpa.

Buti na lang kahit maaga ako nag asawa, at the age of 19, hindi ako pinagsabihan ng masasakit ng salita ng papa ko kahit medyo malayo loob ko sa kanya ksi hindi ako yung favorite anak nya pero after almost 4 years na pagtatry na mabuntis,nung nabuntis naman ako,halos weekly akong dinadalaw ng mama at papa ko sa bahay at dinadalahan ng damit,stuffed toys para sa apo at pagkain...minsan pera naman...bumukod na lang muna kayo...para iwas stress.

VIP Member

Mawawala din po tampo non ako nga po sa first born ko jusko 4years bago pinansin apo nya lagi pa haragas basta pumupunta ako samin, yun lang po nakabukod kami kaya di masyado stress. Kaya mo yan mamsh ganun talaga mga tatay lalo kung panganay ka at mataas expectations saiyo. Habaan mo na lang pasensya. Ako kc pag pinapagalitan ng papa ko dati di na lang ako naimik kahit sobrang iyak na iyak na ako hanggang siguro nagsawa na lang sya.

Buti nga ikaw mamsh pinagstay ka pa rin sa inyo. Ako gusto ko magstay, pinaalis ako. 😂 anyway, normal reaction ng father mo yun. acceptance. ikaw nagkamali (kasi minadali mo/nyo. Pero di ko sinasabing mali si baby. blessing yan) Consequence yan so deal with it. ang tanging magagawa mo lang is to accept things. be kind always. laban lang and prove them kaya mong maging successful in the future okay? fighting ! 💙

Sana huwag kang magalit ng ganyan sa tatay mo kahit ano pa sabihin nya. Tandaan mo magiging magulang ka na rin at anu't ano man pag kailangan mo ng tulong sa kanya rin kayo lalapit. Sobrang dissapointed lang sya na maaga ka magpapamilya na kung susumahin marami ka pa sana mararating. Magpakumbaba ka dahil ikaw ang nagkamali. Pag nakita na nya ang apo nya sayo unti unti rin mawawala galit nya.😊

Ganyan din ako noon galit sakin yung daddy ko dahil maaga ako nabuntis. Pero nag pakumbaba kami mag asawa sa kanya hanggang matanggap nya kami at yung magiging anak ko. Kahit umabot ng isang taon di kami nag reklamo,kahit marami kaming naririnig mag asawa wala kaming nagawa kasi pagkakamali namin. Acceptance lang kasi magulang yan at intindihin yung sama ng loob nila. Lilipas din yan paglabas ng baby

VIP Member

Edi bumukod kayo. Kung ayaw mong mabadtrip sa tatay mo at marinig yung paulit ulit nyang sermon sayo, bumukod ka. Natural ganyan magiging reaksyon nya kasi nasaktan sya eh. Hindi mo sya masisisi, wala kang ibang magagawa kundi tanggapin lahat ng sasabihin nya. Soon maghihilom din yan sugat sakanya. Kailangan mong mas lawakan pa ang pang unawa. Dahil hindi madali yan para sakanila. Cheer up sis.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan