Magkasundo ba kayo ng mga biyenan nyo?
No, kasi they never let us feel that we are part of one family. It's my first time to see a family with a really different lifestyle and perspective. Wala nang pakialam since kinasal ang anak nila, pero pag sila ang may kailangan, dapat matulungan agad sila.
Yes. Even if sometimes they go overboard sa pakikialam and sa decision making naming mag-asawa, we keep it to ourselves and iniisip na lang namin an it's for our baby's welfare din naman. But of course major decisions have to come from us (mag-asawa) pa din.
Yes po, napaka swerte ko sa byenan ko! OB gyne sya kaya sya ang nagpa-anak sa akin and nag uultrasound sa akin nung buntis ako. Ramdam ko talaga yung concern nia nung nanganak ako. Parang anak na rin ang turing nia sa akin. 👍
Nako hindi! At never talaga kming nagkasundo gusto kasi ng biyenan ko mapera mapapangasawa ng anak nya! Kaya eto lagi masungit saken lagi nagpaparinig khit hindi mo inaano. Mainit ang ulo! Kailangan my pera kang nilalapag! Juskolord!😂
Lalaki na biynan opo.. pero babae hindi kasi hindi siya makatao.. selfish inaangkin nea anakko sa akin happy nga sila na ayaw anakko sakin non eh. Hindi nea pinapansin sakin anakko q sa iba pinapansin naman kaya sobrang sakit sa akin
Hindi. Plastikan lang ang gusto niya kasi yong may pera ako kasi walang nabibigay saknya kaya ganun medyo napapansin kung ayaw niya ako, kaya ayaw ko rin siya wala naman siyang natutulong sakin at sa magiging apo niya
Yes! Sia pa nag hahain ng pagkain ko 😂 pero some times naiinis ako sknya kci hingi sia ng hingi ng pera sa asawa ko hahaha, pero its ok naman dhil obligasyon naman yun ng asawa ko, medyo naiinis lng ako ng konti.
Hindi ko masagot dahil patay na ang biyenan ko bago pa Kami magkaanak Ng partner ko. Pero pkaisamahan mo nalang ang biyenan mo sabi sakin Ng auntie ko. Dapat mahiya Ka SA biyenan mo at dapat wag mo siyang papaiyakin
Hindi ko masabing oo at hindi. Kasi nung andun kami sa kanila parang okay naman. Pero nung bumalik na kami sa bahay, wala na. Nanganak na ko at 2months na bb ko ngaun, di parin nya kami kinakamusta. 😅😂
Yes. Ok kami. Kaso minsan nakaka asiwa din yung gsto nila magpromise kami ng certain amount para sakanila. I understand namn kc nakikitira pa kami kasi nagiipon pa. Hayyy sana makabukod na kami
Wife to an amazing husband | wonderwomom of two precious kids