Una, hindi po 70K ang makukuha mo. Ang makakakuha lang nun ay mga members na nagbabayad ng 2400 a month for SSS contribution.
Kung January 2020 ang due date mo, ang qualifying period mo ay Oct 2018-Sept 2019. Meron kang 6 na hulog na pasok diyan sa qualifying period (Dahil hanggang 6 lang naman ang number ng max contri for Mat Ben).
Ganito po ang pagcocomopute:
1. Kunin ang MSC equivalent ng binabayad nyo na contribution monthly (makikita ito sa sss website, search nyo sa google sss contribution schedule).
550 - MSC: 4,500
1. Kunin ang total na MSC.
Formula: MSC x Ilang buwan ang pasok sa qualifying period
4,500 × 6 = 27,000
2. Kunin ang Daily Salary Credit
Formula: Total MSC ÷ 180 (bilang ng araw sa 6 months)
27,000 ÷ 180 = 150
3. Para makuha ang amount ng benefit ganito ang formula:
Daily salary credit x number of days of mat leave
150 x 105 = 15,750.
15,750 po ang makukuha nyo sa mat benefit given na tama mga numbers na binigay nyo at makapagpasa kayo ng requirements.